Oct 19, 2008

Mayascope


Capricorn - Akala mo lang na wala kang kaibigan. Dadami 'yan matuto ka lang manlibre.








Aquarius - Giginawin ka ng sobra sa araw na 'to. 'Wag kausapin ang kapitbahay mong ubod ng yabang.






Pisces - Sasabunin ka ng katakot-takot ng boss mo mamayang hapon. Kaya mag-resign ka na pagpasok mo pa lang sa umaga.







Aries - Good news: Buntis ang Misis mo. Bad news: Hindi ikaw ang ama.






Taurus - Malapit ka ng magka-jowa. Punta ka muna ke Dra. Belo.






Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila.






Cancer - Mag-ingat sa isang gwapong lalakeng makakasakay mo sa jeep na panay ang tingin sa 'yo. Balak ka n'yang holdapin.





Leo - Bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Tigilan na ang pag-kain ng panis.







Virgo - Kung napapansin na nanlalamig sa 'yo ang iyong jowa, malamang nadiskubre n'yang retokado ang ari mo.






Libra - Sisikat ka sa larangan ng pag-aartista. Ikaw ang susunod sa yapak ni Rene Requiestas.






Scorpio - Lalayuan ka ng mga malalapit mong kaibigan. 'Di ka kasi naliligo.






Sagittarius - Isang mabigat na pagsubok ang malalampasan mo. Makakabuo ka sa Sudoku.

8 comments:

  1. ahehehe..ankulit... sana merong horrorsope na ganito..."magiging madilim ang iyong kapalaran ngayon, na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa umaga't hapon"....ahehehe...

    ampuga ung mayasope ko: "Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila."...

    kawawa naman sila...ahahaha...:D

    ReplyDelete
  2. virgo aco:D
    nabulgar tuloy na retokada aco:D

    buti na lang wala acong jowa:D

    ReplyDelete
  3. magiging artista pala ako? matutupad na din ang pangarap ko...

    ReplyDelete
  4. @ supergulaman - sus! di mo nman talaga kelangang mainggit, may grasya ka naman iho di ba? :)

    @ paperdoll - ayan inanounce mo na na wala kang jowa, i'm sure madadagdagan na naman ang followers mo. heheh!

    @ vhonne - oo, kaya umpisahan mo nang bungiin mga ngipin mo para mag-ala-rene requiestas ka na. joke!

    ReplyDelete
  5. hey maganda ito ipopost ko ito and link it to you c:hehehe c:

    ReplyDelete
  6. mwahahaha....
    hanep naman ang sarili mong horoscope neng..ahaha
    nakakaloka...
    magreresign kaya ako???
    ahha

    ReplyDelete
  7. @ iceah - sure, u can repost this.

    @ marlene - wag muna, antayin mo ang mayascope mo next week at baka sakaling magbago ang iyong kapalaran. lol!

    ReplyDelete

Mga Pakialamero: