Nov 13, 2008

Wishlist: MYNP (Make Your Nanay Proud)

Malabo pa sa mata ng lola ko ang nauna kong wish (na maging cover ng FHM). Eto pa ang isa kong wish na malabong matupad/suntok sa bwan - ang maging kaboses ni Juris. I wanna make my nanay proud too, y'know?

Maraming nagsasabi na 'di naman sya ganun kagaling pero para sa 'kin winner sya, 'di nga sya bumibirit gaya ng Aegis or ni Cheriz Peympeyngcoh (as Oprah and Ellen would pronounce it) pero swabeng-swabe sya kumanta. Nakakakanta naman ako ng konti pero di ganun kaganda para i-record at i-upload sa yuchoob at magkaron man lang ng 20 hits, alam mo 'yun? 'Di ko naman pwedeng pagbasehan ang score ko sa magic mic, kasi dun basta nasundan mo yung ilaw tyak na mataas ang score mo. Hmm, teka masyado ko naman atang nilalait ang kakayanan ko sa pag-awit. 'Di nyo naitatanong eh... kilala nyo ba si Rachelle Ann Go... o, hindi ko kaboses yun. lol. Pero naalala ko, nung nag-aaral pa 'ko ng Narsing at sakto namang December nun ay natapat ang duty namin sa National Center for Mental Health (oo, sa Mental Hospital 'yun!), syempre ang inyong lingkod na medyo may kakapalan ang mukha ay naatasang kumanta sa kanilang Christmas Party. Syempre pagkatapos ng aking mini concert ay standing ovation!!! Woohoo!! Eh pa'no ba naman karamihan sa audience ko ay mentally challenged, 'kala yata nila isa ako sa 'inmates' nila. Wahahah! O 'di kaya naman dahil nga sa wala sila sa kanilang katinuan eh napagkamalan nila akong si Mariah Carey, o ha?!

Hay naku, kung nakakabili lang ng boses na kagaya ng kay Juris eh talagang pag-iipunan ko. Andami nang sumikat at yumaman dahil sa angking talento sa pagkanta so syempre wish ko din 'yun. Pasensya na, ilusyonada lang.

Ay sya, pakinggan na lang natin si Juris. I'm sure her Momma is really proud of her.



From MYMP Website:
Julie Iris Fernandez (better known as Juris) hails from Davao and took her early education in Ateneo de Davao. She comes from a family of doctors and took BS Psychology in Miriam College as a pre-medicine course. Although she graduated a BS Psychology student, she pursued a career in music as a vocalist despite having no formal training in singing. Her cool and soft voice was eventually loved by the airwaves and the fans. Her quiet, simple and sweet appearance has made her appeal to the fans in their bar gigs and on TV. But despite all her success, she remains kind and fun-loving at heart.



19 comments:

  1. Gusto nyo palang maging singer.

    Kung makakabili lang din ng utak ng isang mahusay na manunulat ay gagawin ko. o",)

    ReplyDelete
  2. @ rj - OA ka ha, eh magaling ka namang sumulat noh.

    ReplyDelete
  3. isa sa mga wish ko din ang maging kasing galing ko kumanta si juris. hehe.

    ReplyDelete
  4. @ josh - grabe! dapat pala maging wish kong maging magkasinggaling tayo. lol!

    ReplyDelete
  5. Hay naku Maya, hagikgik ako to the max talaga habang binabasa tong imong post. Kahit siguro nakasimangot na tao eh mapapatawa ng di oras.he,he,he...Anyway, di ka nag-iisa sa dream or wish na yan. Ang sa akin lang, matuto man lang sana na nasa tono at mag-iba ang boses-ibon nato. Too bad, imposible eh,lol!

    ReplyDelete
  6. @ ilocana - uy, walang imposible. nakukuha sa practice yan, hehe!

    ReplyDelete
  7. diba akanta ka rin sa mga kasal ate? edi maganda talaga ang boses mo. . buti nga ikaw mag pagkakataong kumanta kahit sa mga ganung event. . buti hindi mo aco nakita dun sa mental. . lol

    hindi rin aco masyadong fan ni juris pero gusto co ung mga songs nya. . at i wanchu make my ermats proud din. . lol

    sayang nga lang at wala acong ginintuang boses. . wala acong katalent talent kahit sa pagsasayaw. . demet!

    ReplyDelete
  8. hahaha
    praktis lng kapatid maabot mo yang dream mo heehhe

    ReplyDelete
  9. hindi naman masamang mangarap, libre lang di ba.. baka bukas may bayad na.

    hehe, eh kung sa mental hospital eh talagang lahat sila dun eh fans mo, haha.. pero masayang mag0duty dun noh..

    ReplyDelete
  10. sa pagkanta di birit ang basehan sa pagiging magaling, ang basehan ay yung kung paano naaapektohan ang nakikinig emotionally. Gusto ko rin ang MYMP. Kung papipiliin ako between Regine Velasquez at MYMP, sa MYMP ako manood.

    ReplyDelete
  11. favorite ko din sila magaling talaga sya pati mga instrumentalist kya nga gusto ko talaga sila c: kudos to MYMP c:
    Pareho tayo Pasti c: mwa! c:

    ReplyDelete
  12. So ikaw pala un. ung kumanta sa Christmas Party namin. hindi kta pinalakpakan. akala ko kc kasama k namin sa ward.

    Tahimik lang hagikgik ko sa post mo (nand2 kc amo ko sa ofis ngaun).

    Mabait ka sigurong anak at masayahing tao. Kaya I'm sure your mama is proud of you (d man nya sabihin sa u...).

    ReplyDelete
  13. @ paperdoll - oo nga pero gusto ko sana kaboses ni juris.. kakasawa na sarili kong boses eh, haha!

    ReplyDelete
  14. @ maus - oo nga, gasgas na nga tong magic mic namin, lol!

    ReplyDelete
  15. @ dylan - korek, masaya magduty dun, nakakabaliw, hehe!

    ReplyDelete
  16. @ pastilan - may tama ka!!! hmm, pero gusto ko din si regine, hehe!

    ReplyDelete
  17. @ iceah - aba, at sabay dumalaw ang mag-jowa. lol!

    ReplyDelete
  18. @ nebz - sabi ko na nga ba andun ka... kaya pala u look familiar, hehe! at least "laya" na tayo ngayon. lols!

    ReplyDelete

Mga Pakialamero: