
How can you tell this table is being sold by a man?
You may put your answers on the comment form.



Ito naman ay galing kina Shelo, Dhianz at Shirgie. Ang cute-cute-cute ko. Kelangan tatlong cute kase tatlo silang nagbigay sa 'kin. Now, I'm passing this to Aian, Justkyut (pangalan pa lang cute na!), Drunk Writer & Paranoia (ang bagong-bagong loveteam sa blogsphere).





I'm craving for Jolly Hotdog, Yumburger, Chicken Joy, Spaghetti, Peach Mango Pie... haaaay, miss ko na Jollibee! 
2. I was once a Company Nurse sa isang factory ng mga butones sa napakatrapik na lugar na Novaliches. Na wala naman akong ginawa kundi maglinis ng sugat, maglagay ng betadine at ibalot ng gasa ang mga daliri ng mga empleyadong nadisgrasya sa makinang panggawa ng butones. Bukod dyan, trabaho ko din ang magbigay ng gamot sa kanila... peyborit nila ang Alaxan, Neozep at Imodium. Mga adik! Moral lesson: kung RN ka, wag kang magwork as Co. Nurse, mabuti pang mag-call center agent ka na lang. lol!
3. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa call center, may mga pagkakataong pag nagdadasal ako bago matulog ay ganito ang nasasabi ko. "In the name of the Father, and of the son and of the Holy Spirit. Amen. Good morning, this is Maya, how may I help you?" Sorry Lord, tao lang po.
4. Yup. Naranasan kong maging wedding singer nung nasa Pinas pa 'ko. At oo naman, may talent fee ha! Kaso di na nag-flourish ang career kong yan dahil papunta na 'ko nun sa Singapore at 'di naman uso dun ang mga wedding-wedding singer na ganyan, di yun feel ng mga chekwa.
5. Pangarap kong maging Barista. Ang babaw ba? Weno ngayon?
6. Hindi ako marunong mag-bike. At sabi nila, karaniwan daw sa mga hindi marunong magbisikleta ay hindi rin marunong lumangoy. Mukhang tama sila kase 'di rin nga ako marunong lumangoy. Loser!
My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)
My daughter SUNSHINE as Snow White.
At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.









Aquarius - Giginawin ka ng sobra sa araw na 'to. 'Wag kausapin ang kapitbahay mong ubod ng yabang.
Pisces - Sasabunin ka ng katakot-takot ng boss mo mamayang hapon. Kaya mag-resign ka na pagpasok mo pa lang sa umaga.
Aries - Good news: Buntis ang Misis mo. Bad news: Hindi ikaw ang ama.
Taurus - Malapit ka ng magka-jowa. Punta ka muna ke Dra. Belo.
Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila.
Cancer - Mag-ingat sa isang gwapong lalakeng makakasakay mo sa jeep na panay ang tingin sa 'yo. Balak ka n'yang holdapin.
Leo - Bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Tigilan na ang pag-kain ng panis.
Virgo - Kung napapansin na nanlalamig sa 'yo ang iyong jowa, malamang nadiskubre n'yang retokado ang ari mo.
Libra - Sisikat ka sa larangan ng pag-aartista. Ikaw ang susunod sa yapak ni Rene Requiestas.
Scorpio - Lalayuan ka ng mga malalapit mong kaibigan. 'Di ka kasi naliligo.
Sagittarius - Isang mabigat na pagsubok ang malalampasan mo. Makakabuo ka sa Sudoku.