Apr 18, 2008

M.C.

Dito sa Singapore kapag umaabsent ka sa school or sa work, ang tawag nila ay M.C. na ang ibig sabihin po ay Medical Certificate. LOL! Ampanget 'noh, pero sa totoo lang, ito ang hobby ko dito, ang mag-MC kahit wala namang sakit. Kaya eto pwede na yata akong magtayo ng botica sa dami ng naipon kong gamot, dito kasi kapag nagpunta ka sa Doctor para makakuha ng MC eh kasama na sa bayad mo yung gamot. Sa 'Pinas pag di ka pumasok sa work dahil may sakit ka (kuno) 'di mo na need mag-produce ng Med Cert... or kung absent ka naman sa school ang kelangan mo lang ay excuse letter galing sa magulang.

Eh teka, ba't ko naman naisipan na i-blog ang MC? Wala lang, eh kasi ang tagal kong naka-MC dito sa blog ko. Medyo busy-busyhan kasi ang lola nyo nitong mga nakaraang linggo. Pero ba't naman ako nage-explain eh wala namang nagtatanong, wahahah! Parang ako lang din naman yata ang nagbabasa ng sarili kong blog, harujoskoh, 'kakaawa.

Basta magbo-blog pa rin ako.

Apr 2, 2008

Maritess VS Superfriends

This is so hilarious! I know luma na sya pero everytime papanoorin ko 'to, sobra pa rin akong natatawa!

Apr 1, 2008

Breathless