Dec 6, 2009
Jul 21, 2009
Ang Pagbabalik
Nandito pa pala ang blog na 'to, sino ba may-ari nito ang tamad naman.
Haller eh pasensya na at busy-busyhan ang lola nyo, sa Facebook! Wahaha! Hakchuli, nawala lang talaga ang aking mojo sa pagba-blog, naksnaman gumaganun pa! Pero okay na yun at eto sa aking pagbabalik, meron akong pasalubong sa inyong... dyarrraaannn... kanta! As if naman kagandahan ang kanta ko, wala lang nag-aadik-adikan lang ako ng araw na nirecord ko yan kaya ayan ang resulta, tunog-ngongo, pero pagtyagaan nyo na rin, parang-awa nyo na.
O yan, pwede na ba akong kantatera (singer)? Sige go, go na sa comment box at laitin ako, libre panlalait dito, haha.
Apr 9, 2009
Apr 6, 2009
Anyone Wants To Dine Here?
Apr 1, 2009
Mar 23, 2009
Boyet F***in' Fajardo
Late na naman ako sa chismis. Pero, huli man daw at magaling, ay daig ang mabaho at malansang isda.... whatevah! :)
Grabe naman talaga itong Boyet Fajardo na 'to, ano naman ang akala nya sa sarili nya, Hari? Malupit na Hari na nanlalait, nagmumura at nagpapaluhod ng kanyang mga alipin? Da nerve!!!!
Sa mga di pa nabalitaan at napanood kung ano'ng kahayupan ang ginawa nang baklitang Boyet na yan, eto...
Hay naku ang ibang tao nga naman, pag nakatikim na ng tagumpay at kumita na ng limpak-limpak na salapi eh akala mo kung sino na.
Kapag nanalo sa demanda ang Duty Free, ang dapat sa 'yo eh ikulong sa Munti tapos paluhurin ka at i-BJ mo lahat ng preso dun hanggang magka-nana yang tonsils mong bakla ka! Hayup!
*** hindi pa 'ko masyadong galit nyan, slight pa lang yan, heheh!
Mar 18, 2009
Bampira
Di ko alam kung tumatanda na ba ako talaga o nasobrahan lang ako sa kakabasa ng linsyak na Twilight Saga na yan! Kase ba naman kagabi habang naghuhugas ako ng pinagkainan ng aking mga amo (itago na lang natin sila sa pangalang "asawa" at "dalawang inakay"), bigla akong nahilo. Syempre, chineck ko agad ang BP ko kase baka high blood ako or low blood. Pero okay naman, sakto lang. So malamang unti-unti nang sinipsip ang dugo ko ng mga Cullens. Halos ayoko na kasing ibaba ang libro pag inumpisahan ko nang basahin eh apat na libro yun lahat-lahat at nasa pangalawa pa lang ako. Pero dahil mahal ko naman ang kalusugan ko at ayokong tuluyan ng maadik sa mga bampira, titigilan ko muna ang pagababasa at baka pag hindi eh ibalik ng mahal kong kabiyak ang mga libro sa bookstore.
"My husband has my heart, but Edward can have my neck." Nyahaha, ang lantod!
Mar 17, 2009
Size 46, Cup G
Pwamis, merong ganyang kalaking boobs!
Nung kadarating lang namin dito, naisipan kong tumingin ng bra sa Sears, baka 'ikako meron akong matipuhang bilhin.
At eto ang mga na-sight ko!
Nag-isip tuloy ako kung saan ba 'to pinangtatakip, sa boobs ba o sa pwet?!!
Langya naman, eh pa'no na kaming mga hindi well-endowed? Sabi ng asawa ko, "Tara, dun ka tumingin sa teens."
Jan 24, 2009
Jan 22, 2009
Happy Birthday...
... to me!
A birthday is just another day,
young of mind, yet youthful looks go away.
Another year older,
the world seems a bit colder.
Yet my heart still burns,
and for love it forever yearns.
Another year older,
I grow even bolder.
Life is for us to learn from,
as calculated as a mathematical sum.
Another year older,
hurting blazes now just smolder.
Letting go of past rage and pain,
living life and feeling sane.
Another year older,
a tear on your shoulder.
Life has not been so bad,
my tear is of joy not because I'm sad.
Another day older,
more pages added to my folder.
I'm glad of who I am today,
I would not have myself any other way.
So don't mind that I write my own birthday rhyme,
I've lived through my life up till this time.
I think it is safe to say,
that things will go as planned His way.
He's got more for me yet,
It'll be even better I bet.
Another year older,
and I am in His debt.
Thank you God for another year.
(poem credit: Gwendolyn C. Harper)
Jan 19, 2009
Jan 16, 2009
Panawagan
Okay, hindi nawawala ang lalakeng nasa peechur at lalong hindi ko sya kilala. Wala rin akong paki sa hawak nyang fungi, err truffles, whatevah! But I'm dying to know where he got his shirt from.
Baka may nakakaalam sa inyo kung saan nabibili ang shirt na yan, please lemme know... puhleaasssee!
(photo credit: Daphne Osena's blog)