Di ko alam kung tumatanda na ba ako talaga o nasobrahan lang ako sa kakabasa ng linsyak na Twilight Saga na yan! Kase ba naman kagabi habang naghuhugas ako ng pinagkainan ng aking mga amo (itago na lang natin sila sa pangalang "asawa" at "dalawang inakay"), bigla akong nahilo. Syempre, chineck ko agad ang BP ko kase baka high blood ako or low blood. Pero okay naman, sakto lang. So malamang unti-unti nang sinipsip ang dugo ko ng mga Cullens. Halos ayoko na kasing ibaba ang libro pag inumpisahan ko nang basahin eh apat na libro yun lahat-lahat at nasa pangalawa pa lang ako. Pero dahil mahal ko naman ang kalusugan ko at ayokong tuluyan ng maadik sa mga bampira, titigilan ko muna ang pagababasa at baka pag hindi eh ibalik ng mahal kong kabiyak ang mga libro sa bookstore.
"My husband has my heart, but Edward can have my neck." Nyahaha, ang lantod!
Mar 18, 2009
Bampira
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
i love edward cullins
he can have me both?
hehehehe
...haha natawa naman akoh sa quote moh... i'm lookin' forward of reading d' books myself.. papahiram pa lang saken... so 'unz... Godbless! -di
sis.. i miss yah.. kakatuwa ka naman , mahilig ka rin pala sa twilight saga..para kang sister ko, nabasa na lahat, inulit pa..ehehe
musta na ikaw?
ahaha. nakagat na rin nya ko. tapos na ko sa apat! waaaaaa.
@ dhianz - basahin mo na girl, go!!! promise maiinluv ka din sa mga bampira! ;)
@ shelo - miss yah, too.
@ mary - ikwento mo na lang kaya sa kin para di na ko mahilo sa pagbabasa, heheh!
haha...
just like the rest...
adik din sila sa twilight...
sali mo na rin ako...
i've seen the movie but m not done reading the book 1 till now eh apat yung nasa USB ko...
hay wala talagang panahon magbasa eh
tsaka wala rin gana...
hehe...
wala, napaepal lang...
hahahaha!! i like the post. i was also an avid fan of twilight before. nasa book 3 na sana ako pero tinamad na akong magbasa... hehe!! pero i really like twilight! sobra! keep reading girl!
waaaaa pareho tayo adik n din ako kakatapos ko lang nungpang fourth book buti nga ikaw may kopya ako wala mabilhan lahat sold out!
at sa ebook ko lang nabasa huhuhu duguan n mata ko nung matapos ko LOL!
@ mavs - oo nga, ang sakit pa sa mata pag dere-derecho pagbabasa... tagal naman kc ng New Moon movie.
@ bea - oo nga eh, kakatamad magbasa ng walang peechur ni edward sa book, hehe!
@ mac - eBook? awww, bilib ako sa tyaga mo, pero worth it naman di ba? oo nga balita ko nagkakaubusan dyan sa pinas ng book... dito sa canada andameh!!!! hindi masyadong tinamaan ng twilight epidemic dito, haha!
Post a Comment