Showing posts with label Musika. Show all posts
Showing posts with label Musika. Show all posts

Nov 13, 2008

Wishlist: MYNP (Make Your Nanay Proud)

Malabo pa sa mata ng lola ko ang nauna kong wish (na maging cover ng FHM). Eto pa ang isa kong wish na malabong matupad/suntok sa bwan - ang maging kaboses ni Juris. I wanna make my nanay proud too, y'know?

Maraming nagsasabi na 'di naman sya ganun kagaling pero para sa 'kin winner sya, 'di nga sya bumibirit gaya ng Aegis or ni Cheriz Peympeyngcoh (as Oprah and Ellen would pronounce it) pero swabeng-swabe sya kumanta. Nakakakanta naman ako ng konti pero di ganun kaganda para i-record at i-upload sa yuchoob at magkaron man lang ng 20 hits, alam mo 'yun? 'Di ko naman pwedeng pagbasehan ang score ko sa magic mic, kasi dun basta nasundan mo yung ilaw tyak na mataas ang score mo. Hmm, teka masyado ko naman atang nilalait ang kakayanan ko sa pag-awit. 'Di nyo naitatanong eh... kilala nyo ba si Rachelle Ann Go... o, hindi ko kaboses yun. lol. Pero naalala ko, nung nag-aaral pa 'ko ng Narsing at sakto namang December nun ay natapat ang duty namin sa National Center for Mental Health (oo, sa Mental Hospital 'yun!), syempre ang inyong lingkod na medyo may kakapalan ang mukha ay naatasang kumanta sa kanilang Christmas Party. Syempre pagkatapos ng aking mini concert ay standing ovation!!! Woohoo!! Eh pa'no ba naman karamihan sa audience ko ay mentally challenged, 'kala yata nila isa ako sa 'inmates' nila. Wahahah! O 'di kaya naman dahil nga sa wala sila sa kanilang katinuan eh napagkamalan nila akong si Mariah Carey, o ha?!

Hay naku, kung nakakabili lang ng boses na kagaya ng kay Juris eh talagang pag-iipunan ko. Andami nang sumikat at yumaman dahil sa angking talento sa pagkanta so syempre wish ko din 'yun. Pasensya na, ilusyonada lang.

Ay sya, pakinggan na lang natin si Juris. I'm sure her Momma is really proud of her.



From MYMP Website:
Julie Iris Fernandez (better known as Juris) hails from Davao and took her early education in Ateneo de Davao. She comes from a family of doctors and took BS Psychology in Miriam College as a pre-medicine course. Although she graduated a BS Psychology student, she pursued a career in music as a vocalist despite having no formal training in singing. Her cool and soft voice was eventually loved by the airwaves and the fans. Her quiet, simple and sweet appearance has made her appeal to the fans in their bar gigs and on TV. But despite all her success, she remains kind and fun-loving at heart.



Oct 17, 2008

Sailing (Alessandra de Rossi)

I never knew Alex can sing. And I mean, really sing. Ganda ng boses ah, winner! At s'ya pa pala ang nag-arrange nito... talentadong bata.

Here's Sailing... originally sung by Christopher Cross at binigyang-buhay sa 'Pinas ni Alessandra de Rossi.

Oct 9, 2008

Hallelujah (Leonard Cohen)

Amazing song. Amazing voices. But I love Kurt Nilsen's voice the most.


Sep 17, 2008

I'm Back!

Grabe! Four months ago pa pala 'yung last post ko. Kawawa naman 'tong blog na 'to, inaamag na, lol!

Sobrang naging busy kasi ako... after nung last na post ko, hilong-talilong na kame sa pag-iimpake at sa paglakad ng kung anik-anik na papeles. At nang nandito na kame sa Canada, lalo na 'kong naging busy. Ang hirap pala maging homemaker. Pero ang sarap din pala ng hindi nagwo-work, walang boss, walang hinahabol na oras sa pagpasok, walang headset, walang kausap na mga hinayupak na customers... at higit sa lahat, marami na 'kong time ngayon sa mga inakay ko at kinakarir ko na ngayon ang pangungusina, trying hard ito, hahaha!

Aba, kahit naman pala may sapot na ng gagamba 'tong blog ko eh meron pa ring bumibisita, ang dami nga nila eh - dalawa! lol! Thank you, Mareng Tina and Jia, for dropping by kahit wala kayong nakitang bago dito.

At dahil ang last post ko ay video ni Charice Pempengco, sa aking pagbabalik, sya pa rin uli. Here are Charice's videos when she guested (again) in Oprah where she met Celine Dion. Sa sobrang hanga ni Celine sa kanya, Celine invited her to sing with her in a concert at Madison Square Garden in New York.









Galing mo Charice!

May 13, 2008

Charice on Oprah Winfrey Show

Sana ganito kagaling kumanta si Sunshine ko paglaki n'ya. Wish ko laaaaaang!

Feb 19, 2008

You and I

Heard this song from a TFC drama series just about an hour ago. Not a new song really coz back in Manila, I would hear this song on the radio every so often lalo na noong radio addict pa ako.

While multi-tasking (well, I was actually watching TV, youTubing, friendstering, etc), I was also browsing on one of my friends' blog and she has this entry about her "Wedding Songs List" and thought she might find this one nice, too.... Denise, check this out, will ya? Hope you like it!