Showing posts with label Occasions. Show all posts
Showing posts with label Occasions. Show all posts

Nov 3, 2008

Belated Happy Halloween!

Ilang days din pala akong walang post - bad blogger! Eh pa'no naman bisi-bisihan sa Halloween, ito kasi ang unang Halloween namin dito sa Canada. At dito, big deal ang okasyon na 'yan kung saan nagco-costume ng bonggang-bongga ang mga bata. Akchuli, pati matatanda hindi nagpatalo.

Mas merry ang mga bata dito kapag Halloween kesa pag Pasko kase mas marami silang nakukulimbat na treats. Pero 'di pa rin kagaya sa Pinas na bukod sa toys at candies eh nakakatanggap din ang mga bata ng pera kapag Pasko. (Sa Pasko malamang nasa loob lang kami ng bahay kase may snow na nu'n... haaay, kaka-miss tuloy ang Pasko sa Pilipinas.)

Sandamukal na treats ang nakuha ng panganay ko ('yung daughter ko ayaw mag-trick or treat, tinopak!). Hindi sila mahilig kumain ng candies and chocolates kaya itatago ko na lang at isasama sa balikbayan box. May pakinabang din pala 'yang trick or treat na 'yan.

Eto nga pala ang mga inakay ko in their costumes.

My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)


My daughter SUNSHINE as Snow White.


At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.

Oct 13, 2008

Happy Thanksgiving!


Ngayon ang araw kung kailan libo-libong turkey ang nalilitson. Kawawa naman sila. Impernes, masarap pala sila. Ito ang unang Thanksgiving namin dito sa Canada. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap/natatanggap/tatanggapin ko sampu ng aking pamilya. Counting my blessings, 'ika nga. Tenkyu FafahLord. Nawa'y 'wag kang magsawang magpa-ulan ng biyaya sa Iyong mga anak, kahit na kadalasan minsan eh pasaway kami. 'Buti na lang ever forgiving ka. Haylabyu!

zwani.com myspace graphic comments

Feb 12, 2008

Balentayms

Malapit na naman ang Balentayms, patok na naman ang mga hotel, heheh! Ingat lang sana kayo at bka kinabukasan nasa YouTube na kayong mag-jowa. Ang mga malalamig ang valentine, mag-sauna na lang kayo hane.

Kami kaya ng ka-balentaym ko saan magdi-date? Hmmm, malamang sa hawker centre! Grabe ang sosyal 'noh? 'Kakakilig, syet! 'Weno ngayon, at least may ka-HHWW ako sa 14 di ba?

Happy Valentine, Sayang. I love u. Pengeng pera, sale sa Metro eh. lol.

Feb 8, 2008