Showing posts with label Pictures. Show all posts
Showing posts with label Pictures. Show all posts

Nov 3, 2008

Belated Happy Halloween!

Ilang days din pala akong walang post - bad blogger! Eh pa'no naman bisi-bisihan sa Halloween, ito kasi ang unang Halloween namin dito sa Canada. At dito, big deal ang okasyon na 'yan kung saan nagco-costume ng bonggang-bongga ang mga bata. Akchuli, pati matatanda hindi nagpatalo.

Mas merry ang mga bata dito kapag Halloween kesa pag Pasko kase mas marami silang nakukulimbat na treats. Pero 'di pa rin kagaya sa Pinas na bukod sa toys at candies eh nakakatanggap din ang mga bata ng pera kapag Pasko. (Sa Pasko malamang nasa loob lang kami ng bahay kase may snow na nu'n... haaay, kaka-miss tuloy ang Pasko sa Pilipinas.)

Sandamukal na treats ang nakuha ng panganay ko ('yung daughter ko ayaw mag-trick or treat, tinopak!). Hindi sila mahilig kumain ng candies and chocolates kaya itatago ko na lang at isasama sa balikbayan box. May pakinabang din pala 'yang trick or treat na 'yan.

Eto nga pala ang mga inakay ko in their costumes.

My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)


My daughter SUNSHINE as Snow White.


At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.

Oct 21, 2008

Wishlist (na suntok sa buwan)

Libre mangarap 'di ba? Gasgas na nga ang linyang 'yan. At least sa pangarap, you can be who you want to be. Walang pwedeng makelam. Walang pwedeng kumontra.

Naisip kong gumawa ng wishlist na may two categories:

1) Suntok Sa Buwan - mga wish na alam kong malabong matupad.
2) Pwede! - mga wish na mabababaw at may pag-asang matupad.

At ibubuking ko sa inyo ang isa kong pangarap na suntok sa buwan - ang maging cover ng FHM. Bwahaha!

Grabe kaseseksi ng mga babaeng nagiging cover ano? Pero naisip ko na 'yung iba hindi naman yata talaga ganun kaseksi at kakinis, may daya yata ang peechur nila, gaya na lang nitong si Angelica Panganiban.




Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya, oo.

Pero ako talaga promise gusto kong maging cover ng FHM kaso sobrang labo na mangyari 'yun dahil 'di naman ako nabiyayaan ng vavavoom na katawan. Syet!

Pero eto, inilagay ko na lang ang isa sa mga peechur kong naka-tupis sa isang magazine cover generator. Tingnan n'yo nga kung papasa na at pwede nang ihanay kina Anne Curtis at Angel Locsin. lol!



In my dreams, hahaha... in my wildest dreams.

Oct 1, 2008

Funny Pix

Playboy Magazine for the Blind. At dahil ito ay sadyang para sa mga kalalakihang manyak na bulag, wala itong peechur ng mga babaeng nakabuyangyang. Ito ay ginagamitan ng Braille System. So, pa'no 'to makapaglalarawan upang gisingin ang kamunduhan ng isang lalakeng manyak na bulag? Siguro ganito: Isang kaaya-ayang babaeng blonde na walang saplot at kagat-labing nakaupo sa itim na sofa. Boobs, size 40 cup G. Waistline, 24 inches. Hips, 36 inches. Mga tinging nag-aanyaya ng isang libo't isang ligaya na kaya kang dalhin sa ikapitong langit.





















At dahil medyo mahalay na ang naunang larawan, sundan na natin nito.

Booby Beer Cover.

Para naman ito sa mga lalakeng manyak na lasenggo.














"Good morning, thank you for calling Fuk Mi, this is Maya speaking."

Ang sagwa 'di ba?









Ayun. Nag-sorry naman sila. Pasens'ya na, tao lang, nagkakamali.
(Himasin err i-click ang peechur para lumaki.)













Oh ha, naka-T-back pa. Kaya n'yo 'yan?

Sabi ng asawa ko, 'pag naging ganyan ako kalusog, pauuwiin na lang daw n'ya 'ko sa 'Pinas.

Tatawag-tawagan na lang daw n'ya 'ko.




















Para sa mga kagaya ko na inaabot ng isang oras sa paliligo dahil sa kakakanta.












S'ya ang tunay na Superhero. Sa isip, sa salita at sa pangalan.










Pagkatapos hipan lahat ni Lola ang mga kandila sa kanyang bertdey keyk, malamang isugod s'ya sa pinakamalapit na ospital.














Nang hindi pa uso ang handsfree celfone, headset, ear piece at blue tooth.

Sep 28, 2008

What Went Wrong?

Sep 18, 2008

Minute

Apr 1, 2008

Breathless

Mar 14, 2008

'Di Ako Makatulog

It's almost 2am... gising pa rin ako, pabali-balikwas sa kama... haaaay, siguro dahil hindi komportable 'tong hinihigaan namin, 'kakainis! Kahit naman siguro kayo eh mahihirapang matulog sa gan'tong kama...
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>

Mar 9, 2008

First Day Off ng mga Inday sa Singapore




Ito po'y kuha mahigit walong taon na ang nakakaraan. Oh di ba ang mga aliping sagigilid pakape-kape pa sa East Coast. Pansinin n'yo ichura namin...

From L - R

Lara - Mala-Kim Chiu, virgin na virgin ang dating.

Cef - 'Di pa sya blonde dito. 'Di pa nya nadi-discover na pwede palang gawing pangkulay ng buhok ang agua oxinada.

Tessa - Poging-pogi ah. Wag ka na uling magpapagupit ng ganyan kung ayaw mong masaktan!

Maya - Cute... este pa-cute pala. At dahil aking blog 'to, di ko ookrayin ang sarili ko. LOL!

Feb 28, 2008

Funny Pix

Tara, bosohan natin si Liberty!



Ay, good luck sa 'yo hijo!



Hulaan n'yo kung sino lang pwedeng umupo dito...



I heart your butt.



Nothing wakes you up as nescafe.



Door Hanger ng mga Newly-Weds



Ang laking rubber duckie nito!




Natawa 'ko dito, harhar!




You've got iPod, I've got iScream.



Tatakas ka ha!




Never be afraid to say what you feel.



Bawal umutot dito.




Egg and Sp... Spoons



My new cellphone with 13Megapix camera. LOL.

Feb 8, 2008

Jan 31, 2008

Ang Mga Dalaginding ng Aston Mansions



Christmas 2000. This was taken at our unit in Aston Mansions. Yan ang ichura namin nung kami'y mga Nene pa!! Hahaha!