Oct 16, 2008

Tamis Ng Unang...

'Di ko na matandaan kung kelan tayo unang nagniig.
Batang-bata pa 'ko noon.
Basta ang alam ko, that time, hindi pa 'ko masyadong marunong.
Natakot kasi ako.
Alam mo na, baka kasi masakit.
Pero sabi ng iba, sa una lang daw masakit.
At sabi pa nila, dapat sa bandang labas lang daw muna, pampakiliti ba.
Aba, sabi ko sa sarili ko, "okay 'to ah".
Tama nga sila, nakakakiliti nga. Ayy, hihihi!
Tapos nu'n sa loob na.
Hmm, parang medyo masakit ah.
Aray!
Teka... ilabas nga uli kasi masakit, baka magdugo.
Pero nandito na 'to eh.
So sige na lang, pasok uli.
Ayun, parang sumasarap na ah.
Hmmm, ipasok pa dapat.
Masarap din pag medyo umiikot-ikot s'ya sa loob.
Ayaaann, grabe ang sarap.
Hindi tayo naghiwalay hangga't 'di tayo parehong satisfied.
'Di ko ma-explain 'yung feeling.
Basta.
Masarap.
Promise.
At simula nu'n, inaraw-araw na natin ang ating pagniniig.

- o0o -

Gusto n'yo bang makita ang kaniig ko? Pindot dito.

Oct 15, 2008

Showbiz Chismax

Akalain n'yo ba 'tong si J.Lo, dati ang daming nag-alok na magazines para ilagay sa cover ang twins n'ya pero ang tigas ng tanggi n'ya. Noon 'yun. Ngayon, ayan at nasa People magazine na nga ang kambal. Alam n'yo ba kung magkano ibinayad sa kambal? $6M lang naman. Kesyo kaya lang naman daw lumaki ng ganu'n dahil sa tagal daw bago sila napapayag mag-asawa eh tumaas ng tumaas ang presyo kaya stupid na lang daw ang tatanggi du'n. Ayun, 'di lumabas din ang totoo, nagpataas ka lang talaga ng presyo, hitad ka!


Narito ang peechur ni Angelina breastfeeding her child. Kuha ito mismo ni pareng Brad in the privacy of their home. Privacy daw pero ba't naging cover ng magazine? Utot nitong mag-asawang 'to!












Ilan na nga ba ang anak nilang mala-United Nations ang drama? Anim na 'di ba? Eto at pina-tattoo pa n'ya ang mga birthplace ng kanyang mga anak at ampon sa kanyang upper left arm.












Johnny Depp. 45 years old. Cosmopolitan's Sexiest Man Alive 2007. Karapat-dapat naman, sa palagay ko ha, kasi I crush him, dati pa sa Edward Scissorhands. Naku, nahalata tuloy kung ga'no na 'ko katanda. Heniwey, biro mo tinalo n'ya sina George Clooney, Brad Pitt, Daniel Craig and David Beckham among others. At 'di lang 'yan, ayon sa aking reliable source na People.Com, Johnny would be earning the biggest paycheck in movie history, ang bayad sa kanya sa Pirates of the Caribbean IV ay limf*ck-limf*ck na $56 million! Syet, andami nu'n!


Sa susunod, chismax naman sa 'Pinas ang pagkakaabalahan ko.

Blog Award



Got this award from AlingJomar. Thanks gurl!

This award is made for those bloggers that you really love for some reasons…

Rule: *** LINK THE PERSON WHO GAVE YOU THIS AWARD.

Post the rules on your blog (this is what you are now reading). Tag 7 people at the end of your post. Let each person know they have been awarded and “LOVED”.

Now, I'm showing my love to the following:
AlingJomar - so young and so interesting.
Faye - for being my Friendster friend and she's so sipag na mag-drop by sa blog ko. :)
Shelo - she seems sooo nice, like me, harhar!
Manikang Papel - she's darn funny! may potensyal ang batang ito.
BeautyAndShop - she's a shopaholic. i love her stuff.
Jia - dati ko s'yang officemate sa 'Pinas, congrats on your teaching job!
All Best of the Philippines - for showcasing the beauty and charm of our Inang Bayan.

Oct 13, 2008

Happy Thanksgiving!


Ngayon ang araw kung kailan libo-libong turkey ang nalilitson. Kawawa naman sila. Impernes, masarap pala sila. Ito ang unang Thanksgiving namin dito sa Canada. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap/natatanggap/tatanggapin ko sampu ng aking pamilya. Counting my blessings, 'ika nga. Tenkyu FafahLord. Nawa'y 'wag kang magsawang magpa-ulan ng biyaya sa Iyong mga anak, kahit na kadalasan minsan eh pasaway kami. 'Buti na lang ever forgiving ka. Haylabyu!

zwani.com myspace graphic comments

Oct 9, 2008

Hallelujah (Leonard Cohen)

Amazing song. Amazing voices. But I love Kurt Nilsen's voice the most.


Oct 7, 2008

FA - Q

Uhm, 'di ko kayo minumura ha... Frequently Asked Questions yan, hiniwalay ko lang ang Q para... aahm... wala lang, para masaya! Dito ko ipo-post ang mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na matagal ko ng gustong hanapan ng sagot. Gaya nito:



Siguro naman nakikita n'yo din 'yan sa kung saan-saang barberya sa kahit saang bansa. Ano ba 'yan? Okay, ang tawag d'yan ay Barber Pole. Dati inisip ko na chever lang 'yan ng mga barbero para makatawag ng pansin sa mga customer. Para bang kahit isang taong 'di marunong bumasa or malabo ang mata e malalaman n'yang may barberya sa lugar na 'yun kapag nakita n'ya ang posteng 'yan na may guhit na puti, pula at asul at umiikot-ikot.

Ayon sa aking masusing pananaliksik gamit ang internet, ang serbisyo ng barberya ay nagsimula 6,000 years bago pa isilang si PapaLord. Noon daw ang pag-gupit ng buhok, pag-ahit ng bigote/balbas, pagbunot ng ngipin, at surgery (blood letting) ay ginagawa sa isang BARBERYA. Ang tawag sa kanila ay Barber Surgeons. Sa kanilang proseso ng surgery, gumagamit sila ng puting tela na kanilang pinamumunas sa dugo ng pasyente, pagkatapos ang mga tela ay kanilang nilalabhan... eeeww, 'di pa sila sanitized noon kaya nagamit na ginagamit pa uli after labhan, eeeww uli. At dahil 'di pa rin uso noon ang Tide Ultra Laundry Detergent, kapag daw isinampay nila ang mga telang ito sa labas ng kanilang barberya ay may mga blood stains pa. At d'yan na raw nagsimulang magpabonggahan ng sinampay ang mga barbero ng kanilang mga puting tela na may mantsang kulay pula. At ngayon nga, 'syala na ang mga barber pole, dinagdagan pa nila ng kulay asul at meron pang paikot-ikot effect silang nalalaman.

So ayan, maliwanag na sa akin ang lahat.

Hanggang sa susunod na FA-Q.

Oct 6, 2008

Are You Jennifer or Angelina?

Wala lang, nakatuwaan ko lang pag-tripan kung mala-Jennifer ba 'ko or Angelina. Pasalamat sila at may jowa na 'ko kundi sa mga kamay ko rin babagsak si Brad. Weheheh!




You Are Jennifer Aniston



Girl next door with a free spirit.

You're low key and naturally sexy.

Sweet and approachable, people are attracted to your upbeat attitude.

And even when life doesn't go your way, you always eventually turn things around.

Oct 5, 2008

Blog Award

Thank you soooo much Faye for this award... my first ever.



Rules:

Put the logo on your blog.
Add a link to the person who awarded it to you.
Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to.
Give a reason why you consider that person's blog cool.

xOxO

I give this award to the following blogs:

Pinay Thoughts 'n Words

Kwento ni Enday
Binibining Alindogan
Mi mundo del Amor
Love's Haven
Micropono ni Pey
Paper Tilapia
Tocactive
My Journey
Ask Ms Recipe

I've only one and the same reason for giving them this award: their blogs are simply kewl!

Oct 1, 2008

Funny Pix

Playboy Magazine for the Blind. At dahil ito ay sadyang para sa mga kalalakihang manyak na bulag, wala itong peechur ng mga babaeng nakabuyangyang. Ito ay ginagamitan ng Braille System. So, pa'no 'to makapaglalarawan upang gisingin ang kamunduhan ng isang lalakeng manyak na bulag? Siguro ganito: Isang kaaya-ayang babaeng blonde na walang saplot at kagat-labing nakaupo sa itim na sofa. Boobs, size 40 cup G. Waistline, 24 inches. Hips, 36 inches. Mga tinging nag-aanyaya ng isang libo't isang ligaya na kaya kang dalhin sa ikapitong langit.





















At dahil medyo mahalay na ang naunang larawan, sundan na natin nito.

Booby Beer Cover.

Para naman ito sa mga lalakeng manyak na lasenggo.














"Good morning, thank you for calling Fuk Mi, this is Maya speaking."

Ang sagwa 'di ba?









Ayun. Nag-sorry naman sila. Pasens'ya na, tao lang, nagkakamali.
(Himasin err i-click ang peechur para lumaki.)













Oh ha, naka-T-back pa. Kaya n'yo 'yan?

Sabi ng asawa ko, 'pag naging ganyan ako kalusog, pauuwiin na lang daw n'ya 'ko sa 'Pinas.

Tatawag-tawagan na lang daw n'ya 'ko.




















Para sa mga kagaya ko na inaabot ng isang oras sa paliligo dahil sa kakakanta.












S'ya ang tunay na Superhero. Sa isip, sa salita at sa pangalan.










Pagkatapos hipan lahat ni Lola ang mga kandila sa kanyang bertdey keyk, malamang isugod s'ya sa pinakamalapit na ospital.














Nang hindi pa uso ang handsfree celfone, headset, ear piece at blue tooth.

What Does Your Birth Date Mean?




Your Birthdate: January 22



You tend to be understated and under appreciated.

You have a hidden force to do amazing things, doing them your own way.

People may see you as strange and shy, but they know little.

Your unconventional ways have more power than they (and even you) know.



Your strength: Standing up for what you know is true



Your weakness: You tend to be picky and rigid



Your power color: Silver



Your power symbol: Square



Your power month: April




Pahabol:
Gusto mo ng libreng handbag? Pindot dito.