Dec 15, 2008

I'm Back

Tapos na 'kong mag-emote. I should be moving on.

So, ano bang latest? May 'nawalang' artista, di ko sya kilala pero nakakalungkot din kase ang bata pa nya. Sa isang corner naman ng blogosphere, merong nagkainitan ng ulo dahil sa pag-comment sa isang comment, good thing now is - bati na sila. Dito naman sa amin, eto at malapit nang umabot hanggang tuhod ko ang snow at sobrang lamig na, kahapon lang umabot ng -40 ang temp. Hindi na sya nakakatuwa! Walong araw na lang at Pasko na pero ni isa wala pa akong nabibiling regalo so I think kelangan ko nang mag-panic. Nakakatamad naman kase lumabas ng bahay pag ganitong uber sa lamig, unang-unang dahilan - ang dami mong kelangang isuot pag lalabas ka ng bahay to keep you warm and dry.

Eto ang layering (ko) ng damit pag winter:
1st layer (after ng undies syempre): tank top, yung tight fitting and wicking material
2nd layer: long sleeved thermal top
3rd layer: sweater or any long sleeved top na medyo mainit sa katawan (fleece or wool)
4th layer: wind/water resistant insulated jacket, preferably yung may hood

Bottoms: (bukod uli sa undies) thermal pants then snow pants.

Syempre hindi lang katawan ang kelangang coveran, importante din na warm ang iyong ulo, kamay at paa. So you need to wear a hat or tuque sabay suot ng hood ng iyong jacket. Pag matagal ka sa labas at sobrang baba ng temp, you also need to wear ear muffs at baka di mo napapansin nahulog na pala ang isang tenga mo. Kelangan mo ng insulated na gloves, kung sobrang ginaw meron pa 'kong thin gloves na pang-layer. Ako kase pag lumabas kamay ko ang unang nakakaramdam ng lamig. Sa paa naman kelangan pa may sock liner then socks tapos saka mo isusuot ang iyong winter boots. Bukod sa mga yan, magsusuot ka pa ng scarf or neck warmer.

So ayun, pag suot mo na ang lahat ng yan mukha ka ng Santa Claus sa katabaan at ready ka ng rumampa sa snow. Weeeee!

Mas gusto ko pa rin ang weather sa Pinas, nakakamiss tuloy lalo na ngayong Pasko. Sigh. I'm sure blockbuster na naman ang mga mall sa dami ng nagki-krismas shopping, eh dito parang wala lang, ni wala nga akong naririnig na Christmas songs sa mga mall dito, ang KJ! Syempre di rin uso ang caroling, simbang gabi, bibingka at puto bumbong. PERO, pero, pero tuloy ang Pasko!! Kahit na konti lang kame dito na magcecelebrate, okay pa rin... at least konti lang reregaluhan, yun nga lang konti lang din ang matatanggap, lol!

Segway lang ako, b'day ni hubby tomorrow. Happy Birthday Sayang*. LuvU! Magpa-canton ka naman!

*Sayang is a term of endearment in Malay language. (Wala lang, maiba lang.)

6 comments:

Dhianz said...

hi maya... tagal den akoh nde nakadaan sa page so nde akoh updated sa drama moh... wehe.. but hope ur doin' alright naman nah... so 'unz... hmmnnzzz... si marky cielo 'ung nag passed away... yeah batah pah... only 20 i believe... kilala koh kc sometimes nakanood akoh nang kapuso show.. nalungkot nga akoh eh... parang kakagulat... nde moh tlgah alam ang buhay... so gotta enjoy every moment of it tlgah... so 'unz... eh crush pa naman yan nang isang bestfriend koh... kaya 'un... sobrang nalungkot.. sana nasa heaven na si marky.. so 'unz... nd abah.. updated kah sa away nang bloggers nah 'un... nde naman tlgah away.... mejo misunderstanding lang naman... but okz na silah... thank God.. kc naman magpapasko nah... nd speaking of lamig... yeah currently snowin' here den... pero i think itz colder in ur place... natawa akoh sa hirit moh... baka mahulog na 'ung tenga.. alam koh 'ung feeling na yan minsan... sobrang naninigas tenga moh... graveh... sa sobrang lamig... yeah dapat tlgah layer layer... kelangan kc kung isang makapal lang na sweater... tapos sobrang init nang place na pinuntahan moh kc sa heater.. 'la na... toasted kah.. wehe... para kapag layer... handa kah lagi... nd yeah.. nde koh pa nagagawa christmas shopping koh den.. nakarelate lang... magpapanic na ren akoh... hehe.. pero nde..i'll be fine awa ni God.. hahabol akoh... sige.. sasabayan koh ang panahon... wehe... so 'un almost christmas na nga... pero yeah kakamiss pa ren sa pinas... lalo na pag pasko.. pangarap koh 'un... magpasko muli sa pinas... pero yoko nang sobrang init... masarap pumunta don kapag around december to february... 'un mejo cool... so 'unz... oh yeah kinuha koh na 'ung tag moh na wonderwoman...salamat ha... kinuha koh bago akoh mag-vacation sa blogsphere.. parang work noh... wehe.. so 'unz... ingatz kah... have a merry christmas and a blessed new year... GODBLESS! -di

Dhianz said...

oh yeah.. i read ur post about ur baby...dunno wat to say...hope ur feelin' better now... but i do believe He's w/ God na... nde koh alam exactly how u feelin'.. but i'll be be prayin' for you... take good care of urself... may reason si God ba't nangyari 'un... nde koh alam but juz trust Him... He loves you... *hugz*... GODBLESS maya... =)

Maus said...

hello maya..
bakit ka nag emote hehehe
parang bz ka sa kaeemote hehe
cge daan na lng ako

Chubskulit Rose said...

Hi Maya, glad to know your back but i understand how you feel... baka ako di kasding tatag mo kung sakin nangyari yun...

dito super lamig na rin, and pag lumalabas ako as in balot na balot ako, minsan nga niloloko ako ni hubby kasi super lamigin daw ako at todo nakagloves pa hahaha...

Anonymous said...

ako kamay at paa unang nilalamig.... payatot ako kaya ag lumabas dapat bundled up kundi maninigas ako sa lamig heheh..

Ilocana said...

Glad to hear you're moving on. That's really great Maya. I'm sure it's not easy to walk away from what had happened but life goes on ika nga. God bless.