Sep 25, 2008

Crowning Glory

May kasabihan nga na "A woman's hair is her crowning glory". 'Buti pa ang ibang mga babae nabiyayaan ng kaaya-ayang buhok, 'di kagaya ko na kung hindi pa magpa-rebond eh di pa dederecho ang buhok. Paksyet! Pero 'di naman porke't kulot ibig sabihin nun eh pangit na ang buhok mo, wala akong sinabing ganun, 'wag kang pikon. Ang importante malinis ang buhok mo... at ibig sabihin din nun na dapat araw-araw kang naliligo at nagsha-shampoo.

Naalala ko tuloy 'yung isa kong officemate sa Singapore dati, chekwa s'ya from Mainland China. Kapag dumarating ako sa office tuwing umaga s'yempre bagong paligo at medyo basa pa ang buhok. Napapansin pala n'ya 'yun at minsan 'di na s'ya nakatiis at kinausap n'ya 'ko.

Ms. Chekwa: Veron, why is your hair wet when you come to the office?
Ako: Well, that's because I take a bath and wash my hair every morning.
Ms. Chekwa: Oh, isn't that gonna 'hurt' your hair?

Nagulat naman ako sa sinabi n'ya. Sa loob-loob ko, hurt ka d'yan, okay ka lang?! Palibhasa sila hindi sila naliligo araw-araw at maligo man sila minsan katawan lang pinapaliguan, eeeww.

Anyhoo, tuloy ang usapan at sinimplehan ko na lang din ang sagot ko sa kanya.

Ako: No, your hair will hurt if you don't wash it everyday.

'Di na s'ya kumibo.

Pagkalipas ng mga ilang araw, sabi nya (s'yempre lahat ng dialogue n'ya may chinese accent)...

Chekwa: Hey Veron, I'm like you already, I wash my hair everyday so my hair is not hurting anymore.
Ako: That's good!

Pero sa loob-loob ko uli, "Lintek ka, na-realize mo rin ang kadugyutan mo!" lol!

- xOxO -

At dahil napag-uusapan na rin ang buhok, here are 5 ways to beat a bad hair day ayon sa wish.ca

1. Try a different part. Simply moving your part can give you a new look and change the way your hair falls.

2. Go with a ponytail or bun. Pull your hair back into a style that looks like you planned it, and add a little styling cream to control flyaways.

3. Wear a hair band or pretty hair clips. Accessories are an easy way to take control of misbehaving hair. Change your look with swept-back bangs or accentuate your part with a clip.

4. Use hairspray or dry shampoo. Add texture and volume with these hair savers.

5. Hit the shower. If all else fails, start again. Styling products can build up and make hair look dull and feel limp.

Hay naku, basta ako 'di sanay nang kung anu-ano nilalagay na burloloy sa buhok o yang mga pinapahid na 'yan. Wash and wear 'tong buhok ko, pagkaligo pupunasan ng towel tapos nu'n susuklayin and then I'm good to go.

O s'ya makaligo na muna.

No comments: