Sep 21, 2008

Fall Is In The Air

Today is the first day of Autumn. Ibig sabihin, malapit na ang kinatatakutan kong season - ang Winter! Palamig na nang palamig. Ang mga dahon madilaw na, 'yung iba mapula... at isa-isa na silang nalalagas. Sabi nga sa pinapanood kong... este sa pinapanood ng mga anak kong cartoon program na My Friend Rabbit, "Winter will not come until the last leaf has fallen". Totoo kaya 'yun? Hmmm, lagyan ko kaya ng glue 'yung ibang mga dahon? Para kapag 'di sila lahat nalagas eh di hindi na magwi-winter. Yeeeey!


Actually, excited din naman ako kahit papa'no sa Winter, aba ngayon lang ako makakakita at makakahawak ng snow 'noh! Siguro sa unang buhos lang ng snow ako matutuwa pero pag sandamakmak na snow na at super lamig na, 'nakngpating 'di na yata 'yun masaya ha. Dito pa naman sa Alberta umaabot ng -50 degrees ang temperature kapag winter, harujoskoh eh konti na lang malapit na yata s'yang umabot sa coldest temperature ng North Pole during Winter.

Oh well, hayaan na nga 'yang winter-winter na 'yan. Iisipin ko na lang ang White Christmas.

No comments: