Nov 27, 2008

An Open Letter To Buraot

Dear Buraot,

Una sa lahat, gusto ko munang malaman kung ano'ng ibig sabihin ng buraot. Kamag-anak ba yun ng balahura at balasubas?

Heniwey, gusto ko lang malaman mo na ito ang aking official entry sa iyong Sikatchupoy Contest.


Baka kasi swertehin ako, aba sayang din ang prize, kahit consolation lang na $100 okay na sa 'kin. Maganda naman ang intensyon ko... ibibigay ko ito sa charity. Oo, sa charity - sa mga inaanak ko! lol! Pero dahil mahigit apatnapung bata ang inaanak ko (yung iba dalaga't binata na pala), kulang yung $100 Mr. Buraot, kaya yung 1st prize ang pinupuntirya ko. Compute, compute, convert... hmmm, sa $300 x P49... ayos, tigti-three hundred kayo mga bata!!! Yun ay kung mananalo. Ipagpe-pray over ko yan.

Ang hirap pumili ng post mo na gagawin kong entry... pero naisip ko, ba't pa ba 'ko nagkakandapili eh bobolahin mo lang naman yun sa pamamagitan ng isang tambiolo, so chamba romero ang labanan. Naiisip kong magdagdag pa ng syam na blog para bale magkaron ako ng 10 chances of winning. Pero baka rin kasi topakin ka at piliin mo ang pinaka... pinaka-nakakatouch, pinaka-nakakatawa, pinaka-nakakainis o pinaka-may sense.

At etong Mahal Ang Araw ang isang post mo na nagustuhan ko. Bakit kamo? Wala ka na dun! Harharhar! Ackhuli, gusto ko sya kase Pilipinong-Pilipino ang dating. Kumpleto ang description mula sa mala-pyestang event, yung mga nagpepenitensya - para ko silang nakikita at pinapanood din in flesh, pati na rin yung may ipinapako sa krus at yung mga Morion na sinasabi mo. Ang galeng! Para sa mga kagaya kong hindi pa nakaka-witness ng ganyan at tamad namang mag-gugel o mag-yuchoob para lang mapanood kung ano bang meron sa probinsya nyo, eh okay na rin 'tong mabasa ko post mo na 'to. Solved na, 'ika nga. Hindi kita binobola ha, inuuto lang kita.

Ay sya, kung hindi man ako magwagi, mang-aasar na lang ako. Sa kababasa ko ng mga entries mo, nalaman kong gurang ka na pala talaga. Sus, kung makapanlait naman ako 'kala mo ako eh kabataan ano? Heniwey, narito ang mga nakalap kong "ibidinsya" na nagpapatunay na malapit ka nang makaramdam ng midlife crisis.

1. receding hairline aka napapanot ka na. nakita ko dito at dito ang mga pruweba
2. nirarayuma ka na
3. inabot mo ang singkong kulot
4. inabot mo ang Voltes V

Bawal ang pikon. Alam ko naman na hindi ka pikon kase nagkalat naman sa blog mo ang pag-amin na hindi ka na bagets!

Najejebs na,
Maya

Note:
Para sa mga gustong sumali sa patimpalak ni Buraot, bisitahin ang Anak ni Kulapo website. Pero sa isang banda, sana wag na kayong sumali para naman di lumiit ang chance ng pagkapanalo ko. *evil grin*



Nov 26, 2008

Ano Raw?

"Take the square root from the side by side."

Pinasaya mo 'ko ng bonggang-bongga manong. I like you!

Nov 25, 2008

Tags and Awards

Ang tagal kong absent. Pag ganito kasing nagi-snow, nakakatamad gumalaw, ang sarap ng laging nakahilata. At ngayon, sa aking pagbabalik, ipo-post ko na ang mga utang ko. Ano pa eh di mga tag-tag na yan at awards.

Tag from Vhonne slash Batanggero slash Drunk Writer and Arnie.

10 Facts about myself:

1. I'm a Friendster adik. Ngayon nagiging Facebook adik na rin.

2. Spoiled ako ke hubby. Pag hiniling ko, ibibigay nya (kung afford nya, hahah!).

3. 8 yrs akong tumira sa Singapore pero konti lang ang natutunan kong mandarin/malay/tamil words and phrases. Ang hirap kaya.

4. Miss ko na ang naka-flip flops lang pag aalis ng bahay. Pag ginawa ko yan dito, tyak na patay lahat ng kuko ko sa paa sa sobrang ginaw!

5. Dati, pinangarap kong maging singer sa Japan. Sinermunan ako ng Tatay ko.

6. Tirador ako ng kaning lamig. Kaya kong kumain ng sandamakmak na kanin kahit konti lang ang ulam, kaing kargador daw ang tawag dun. lol!

7. Mahilig ako sa shades (sunglasses).

8. Makakalimutin ako. 'Di kaya magkaron ako ng Alzheimer's disease pagtanda ko? Lord, wag naman po!

9. I'm perpetually tardy. Masama loob ko pag sobrang aga ko sa pupuntahan ko. Pero okay lang sa 'kin pag late ako.

10. Nagsisisi ako na hindi ko na-practice ang pagiging Registered Nurse ko. Pero may kasabihan nga na "it's never too late".

Now, gusto kong makaalam ng 10 Facts about these peeps: Shelo, Justkyut, RJ, Marie, Bam, at Francisko ... Wag kayong KJ, gawin nyo 'to! At hindi ko na rin ilalagay ang instructions, malalaki na kayo, I'm sure alam nyo na ang gagawin nyo. Kung nagawa nyo na yan before, pwes gawin nyo uli, basta!

oo0oo

Nakatanggap ako ng ilang awards mula sa iba't-ibang award giving bodies gaya ng Oscar, Famas, Star Awards, Gawad Urian atbp. Pasensya na ngayon ko lang maipopost kase nga maginaw dito sa Northpole, nahihirapan akong mag-type. OA! Hahaha!









Salamat kay Dylan para dito sa Rose Award. Ipinapasa ko ang award na 'to kay Ilocana. This is for you kabsat.



Ito naman ay galing kina Shelo, Dhianz at Shirgie. Ang cute-cute-cute ko. Kelangan tatlong cute kase tatlo silang nagbigay sa 'kin. Now, I'm passing this to Aian, Justkyut (pangalan pa lang cute na!), Drunk Writer & Paranoia (ang bagong-bagong loveteam sa blogsphere).




Got this from Shelo. Peyborit naming bigyan ng award ang isa't-isa... ba't ba?... wala na kasing pakelamanan! I'm passing this award to RonTuron na dati ko palang opismeyt sa isang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Lopez. Pasensya na kapatid pero 'di ko alam kung ano'ng ibig sabihin ng premio dardos, basta binibigyan kita ngayon ng award dahil pa rin sa 'yong kabaitan - salamat uli sa header. Heheh!





Gagay and Shirgie gave me this award. Bakit lemonade? Ewan ko ba. Siguro dahil nagmamaasim ako. Haha! Parang si Madam Auring, lagi nyang sinasabi na may asim pa sya. lol! Ipinapasa ko naman ito sa mga maaasim rin na sina Marie, Marga at Phebie.




Bigay naman ito nina Bam, Francisko and Aian. And I'm now passing this on to Paperdoll (kahit naiimibitahan sya ng pulis para dumulog sa presinto, loves ko ang batang yan at ang kanyang funny blog), Vhonne (yeeeey! may hipag na 'kong ubod ng ganda!), Shelo (bat parang sad ka these days girl?)







Wonder Woman award from Shelo. O ha, wonder woman daw ako, sabagay mahirap maging homemaker 'kala nyo ba? I'm giving this award to Edelweiza, Ilocana, Faye, and Shy and Dhianz.






This award was given by Paperdoll and Vhonne. I'm passing this to Shirgie, Bam, Francisko, RJ and Dylan.








Ito naman po ay mula pa rin kay Shirgie. Kelangan daw magbigay ng 5 Reasons to Smile (today)...
1. Andami kong awards! Weee!
2. Ang sarap ng breakfast ko - tapsilog, home-cooked by ME!
3. Hindi masyadong maginaw ngayon.
4. I've another paid review assignment.
5. Sale ang Christmas tree sa Walmart, $30 lang yung 6ft. Yeeey!

I'm now passing this award to Arnie, PioJun, Shelo, Ilocana, Chubskulit, and PatrickJohn.









Another award from Shirgie. Ipinapasa ko 'to sa lahat ng nasa blogroll ko. Bahala na kayong dumampot!



Ayan, natapos din sa wakas. Ang hirap bunuin ng entry na 'to kase katakot-takot ang links.



Nov 19, 2008

Mali Ito. Maling-mali.

Akala ko mga manok lang ang pinagsasabong. Okay lang kung ang pinapanood kong sumasabog ang dugo sa ilong at kilay ay ang mga boksingero o wrestler o ang mga fighter sa UFC. Pero kung ang makikita mo ay mga batang dalawang taong gulang na nagbubugbugan sa pag-uudyok ng kanilang sariling ama??? Ano 'to???



Siguro napanood n'yo na yan at kagaya ko, alam kong nabubwisit kayo sa tatay ng mga batang 'to. Demonyo sya sa lupa! Grabe, at ang lakas pa ng loob nyang i-video at i-post sa yuchoob ang kademonyohan nya, ayan mananagot sya ngayon! Sabi nga nung Psychologist, "that's teaching the children how to be bullies." Kung ganito naman ang magulang, hindi nga kataka-taka kung bakit may mga batang lumalaking barumbado.

Nakakagigil. Nakakalungkot.


Nov 16, 2008

Foreign Accent Syndrome

Ano'ng gagawin mo kung isang umaga pag-gising mo eh iba na ang accent mo? Akalain mo, meron palang isang rare medical condition na tinatawag na Foreign Accent Syndrome. Nangyayari daw 'to sa mga taong kagagaling lang sa stroke or head injury. Pero konti pa lang naman daw ang may ganitong klaseng condition.

Gaya na lang nitong babaeng nasa video na si Tiffany Roberts, na kahit kelan ay 'di pa nakarating sa Inglatera pero isang araw, tadah... ayan meron na syang British accent. Winner 'di ba?



Okay lang kung British accent, ako I would love to embrace it, lols! Kaso parang masagwa din kung tagalog na tagalog ang salita ko tapos may British accent, 'di ba? Bloody hell!


(Info about Foreign Accent Syndrome here.)


Nov 13, 2008

Wishlist: MYNP (Make Your Nanay Proud)

Malabo pa sa mata ng lola ko ang nauna kong wish (na maging cover ng FHM). Eto pa ang isa kong wish na malabong matupad/suntok sa bwan - ang maging kaboses ni Juris. I wanna make my nanay proud too, y'know?

Maraming nagsasabi na 'di naman sya ganun kagaling pero para sa 'kin winner sya, 'di nga sya bumibirit gaya ng Aegis or ni Cheriz Peympeyngcoh (as Oprah and Ellen would pronounce it) pero swabeng-swabe sya kumanta. Nakakakanta naman ako ng konti pero di ganun kaganda para i-record at i-upload sa yuchoob at magkaron man lang ng 20 hits, alam mo 'yun? 'Di ko naman pwedeng pagbasehan ang score ko sa magic mic, kasi dun basta nasundan mo yung ilaw tyak na mataas ang score mo. Hmm, teka masyado ko naman atang nilalait ang kakayanan ko sa pag-awit. 'Di nyo naitatanong eh... kilala nyo ba si Rachelle Ann Go... o, hindi ko kaboses yun. lol. Pero naalala ko, nung nag-aaral pa 'ko ng Narsing at sakto namang December nun ay natapat ang duty namin sa National Center for Mental Health (oo, sa Mental Hospital 'yun!), syempre ang inyong lingkod na medyo may kakapalan ang mukha ay naatasang kumanta sa kanilang Christmas Party. Syempre pagkatapos ng aking mini concert ay standing ovation!!! Woohoo!! Eh pa'no ba naman karamihan sa audience ko ay mentally challenged, 'kala yata nila isa ako sa 'inmates' nila. Wahahah! O 'di kaya naman dahil nga sa wala sila sa kanilang katinuan eh napagkamalan nila akong si Mariah Carey, o ha?!

Hay naku, kung nakakabili lang ng boses na kagaya ng kay Juris eh talagang pag-iipunan ko. Andami nang sumikat at yumaman dahil sa angking talento sa pagkanta so syempre wish ko din 'yun. Pasensya na, ilusyonada lang.

Ay sya, pakinggan na lang natin si Juris. I'm sure her Momma is really proud of her.



From MYMP Website:
Julie Iris Fernandez (better known as Juris) hails from Davao and took her early education in Ateneo de Davao. She comes from a family of doctors and took BS Psychology in Miriam College as a pre-medicine course. Although she graduated a BS Psychology student, she pursued a career in music as a vocalist despite having no formal training in singing. Her cool and soft voice was eventually loved by the airwaves and the fans. Her quiet, simple and sweet appearance has made her appeal to the fans in their bar gigs and on TV. But despite all her success, she remains kind and fun-loving at heart.



Nov 12, 2008

Easy Business Loans from EZUnsecured

Are you thinking of starting a new business? Or maybe expanding it? Doing so may mean needing to get a working capital. A relative of mine recently put up a business and she was thankful that she was able to get easy Business Loans from EZUnsecured. She was also telling me how serious, efficient and experienced the people are in EZUnsecured. And guess what, her loan was approved in just 3 weeks! Imagine getting an unsecured financing for your business the easiest way possible. You may visit EZUnsecured.com anytime and be among the many businessmen who received outstanding results.

Nov 10, 2008

I Heart Jollibee

I'm craving for Jolly Hotdog, Yumburger, Chicken Joy, Spaghetti, Peach Mango Pie... haaaay, miss ko na Jollibee!

Marami-rami na rin akong nakainan na Fastfood Chains sa Singapore at maging dito sa Canada pero nami-miss ko pa rin ang mga pagkain sa Jollibee. Pinoy pa rin ang panglasa ko... matamis na spaghetti, mamantikang pritong manok, hamburger na may thousand island sauce... only in the Philippines. Sa ibang lahi, nilalait nila 'yang ganyang klase ng pagkain. Naalala ko tuloy hanapin uli ang 2006 blog ng isang Amerkanang si Pamela Ribon na nanlibak ng katakot-takot sa mga pagkain ng Jollibee. Kung gusto n'yo uli itong mabasa, pindot dito. At nilait din pala n'ya ang Kare-Kare ng Barrio Fiesta, peyborit ko din 'yun ah!

At dahil sa sinulat n'ya, marami palang mga Pinoy ang nagpadala ng hate mails sa kanya, gaya na lang nito:

hey loser. giving your rude comments about Jollibee? well then, think again. you're insulting Filipinos in general. lemme remind you that being american doesnt make you any more special than us, Filipinos.

allow me to quote you ignorant bitch
"Pam: You know, if I were at Taco Bell, and a group of Filipino girls came in, sat down next to me with a tray filled with shit, and started screeching and taking pictures? I'd be like, "I know! And we still eat it! It's called a 'Chalupa,' and we still put it in our mouths!"

why use Filipino girls as an example of your bitching? holy shit. youre so lame. and stop acting like a supreme goddess. you know what? im gonna let you know a little secret... you look like dung compared to any Filipinas i know. yep. thats true.. take my word for it.

well i think youre not just an ugly american. you are the WORST american.
You do nothing but discriminate filipinos and make your self appear mighty.
well, jollibee is MY country's PRIME fast food. We love it. We embrace it. We dont think it tastes like shit. I think the food given to you were dung infested. I mean, if i were the waiter, i probably wouldve put a lot of cow shit on your meal. yep. honestly. with all conviction.

and i have to agree with one of your bashers. WELL AT LEAST FILIPINOS ARE KNOWN TO BE CLEAN. we bathe a lot. unlike you americans who bathe like, 5 years of interval. if you can't be clean at all with yourselves, i wonder how you fools can be clean with the food you eat. and oh, all you have is boxed pasta, which tastes like diarrhea. eeeww much. well then, next time you label my race and the food we eat, think about yours and how disgusting you are. would you believe i can actually smell you here, foul stench (how more redundant could that be?)


Ang taray ng lola nyo di ba? Pero agree ako sa kanya.

Wala yatang Pilipino na hindi nakakain sa Jollibee. Oh well, syempre meron din siguro, yung mga 'syala, yung mga Pinoy na ang tingin din sa pagkain ng Jollibee ay chipangga at sooo eeeewy! Sabagay kanya-kanyang taste nga naman yan, ang masarap para sa 'kin ay maaaring hindi masarap para sa ibang tao.

Ah basta, gusto ko ng mga 'to...




Kaso alangan namang umuwi pa 'ko ng Pinas para lang kumain ng Jolly Hotdog... or pumunta sa kapitbahay na bansang US para lang magmeryenda ng Yumburger? Waaaahhh!

Nov 7, 2008

6 Random Things

This is a tag from Marie. Salamat girl!

So here are 6 Random Things about me:

1. Crush ko si Piolo Pascual. Kahit maraming nagsasabing bading s'ya... bading nga ba s'ya? Sayang, fafalicious pa naman! Ah basta, I crush him. Period.









2. I was once a Company Nurse sa isang factory ng mga butones sa napakatrapik na lugar na Novaliches. Na wala naman akong ginawa kundi maglinis ng sugat, maglagay ng betadine at ibalot ng gasa ang mga daliri ng mga empleyadong nadisgrasya sa makinang panggawa ng butones. Bukod dyan, trabaho ko din ang magbigay ng gamot sa kanila... peyborit nila ang Alaxan, Neozep at Imodium. Mga adik! Moral lesson: kung RN ka, wag kang magwork as Co. Nurse, mabuti pang mag-call center agent ka na lang. lol!


3. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa call center, may mga pagkakataong pag nagdadasal ako bago matulog ay ganito ang nasasabi ko. "In the name of the Father, and of the son and of the Holy Spirit. Amen. Good morning, this is Maya, how may I help you?" Sorry Lord, tao lang po.

At ganyan din ang nagiging sagot ko dati kapag nagriring ang phone namin sa bahay. Amp!




4. Yup. Naranasan kong maging wedding singer nung nasa Pinas pa 'ko. At oo naman, may talent fee ha! Kaso di na nag-flourish ang career kong yan dahil papunta na 'ko nun sa Singapore at 'di naman uso dun ang mga wedding-wedding singer na ganyan, di yun feel ng mga chekwa.



5. Pangarap kong maging Barista. Ang babaw ba? Weno ngayon?







6. Hindi ako marunong mag-bike. At sabi nila, karaniwan daw sa mga hindi marunong magbisikleta ay hindi rin marunong lumangoy. Mukhang tama sila kase 'di rin nga ako marunong lumangoy. Loser!





Now I'm passing this tag to anyone who wants it, hahaha, bahala na kyong i-grab kung gusto nyo.

Nov 5, 2008

Barack Obama Made It

In fairness, he's not a bad dancer (kaso hindi rin good). lol!

Nov 4, 2008

Great Eyeglasses for Less


My friend told me that Zenni Optical was on FOX news! I didn't have the chance of seeing it myself so I checked out Zenni on Fox via the internet. And boy was I delighted to discover some great eyeglasses for less. Imagine having eyeglasses for as low as $8, how cool is that? And to top it all, you can choose variable dimension frames from Zenni in the comfort of your home. Yes, you can choose and buy your prescription eyeglasses online, it will save you a lot of time not to mention you can save a lot of money.

Nov 3, 2008

Belated Happy Halloween!

Ilang days din pala akong walang post - bad blogger! Eh pa'no naman bisi-bisihan sa Halloween, ito kasi ang unang Halloween namin dito sa Canada. At dito, big deal ang okasyon na 'yan kung saan nagco-costume ng bonggang-bongga ang mga bata. Akchuli, pati matatanda hindi nagpatalo.

Mas merry ang mga bata dito kapag Halloween kesa pag Pasko kase mas marami silang nakukulimbat na treats. Pero 'di pa rin kagaya sa Pinas na bukod sa toys at candies eh nakakatanggap din ang mga bata ng pera kapag Pasko. (Sa Pasko malamang nasa loob lang kami ng bahay kase may snow na nu'n... haaay, kaka-miss tuloy ang Pasko sa Pilipinas.)

Sandamukal na treats ang nakuha ng panganay ko ('yung daughter ko ayaw mag-trick or treat, tinopak!). Hindi sila mahilig kumain ng candies and chocolates kaya itatago ko na lang at isasama sa balikbayan box. May pakinabang din pala 'yang trick or treat na 'yan.

Eto nga pala ang mga inakay ko in their costumes.

My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)


My daughter SUNSHINE as Snow White.


At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.