Nov 3, 2008

Belated Happy Halloween!

Ilang days din pala akong walang post - bad blogger! Eh pa'no naman bisi-bisihan sa Halloween, ito kasi ang unang Halloween namin dito sa Canada. At dito, big deal ang okasyon na 'yan kung saan nagco-costume ng bonggang-bongga ang mga bata. Akchuli, pati matatanda hindi nagpatalo.

Mas merry ang mga bata dito kapag Halloween kesa pag Pasko kase mas marami silang nakukulimbat na treats. Pero 'di pa rin kagaya sa Pinas na bukod sa toys at candies eh nakakatanggap din ang mga bata ng pera kapag Pasko. (Sa Pasko malamang nasa loob lang kami ng bahay kase may snow na nu'n... haaay, kaka-miss tuloy ang Pasko sa Pilipinas.)

Sandamukal na treats ang nakuha ng panganay ko ('yung daughter ko ayaw mag-trick or treat, tinopak!). Hindi sila mahilig kumain ng candies and chocolates kaya itatago ko na lang at isasama sa balikbayan box. May pakinabang din pala 'yang trick or treat na 'yan.

Eto nga pala ang mga inakay ko in their costumes.

My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)


My daughter SUNSHINE as Snow White.


At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.

10 comments:

RJ said...

Wow! May Balikbayan box!

Mabuti sa Canada nagsi-celebrate ng Halloween, dito po sa AUstralia hindi.

Ayos ang photo mangkukulam. Mahusay kayo sa photgraphy.

M A Y A said...

@ RJ - mahusay akong mag-photoshop kamo! heheh!

paperdoll said...

haha. . ate kaw pala ang tunay na mangkukulam eh*lol. .

sexy hot mama. . ulahlah:-P

pareho sabi nyo ni buraot. . mas ginagastusan ang hulawin jan kesa xmas. .

M A Y A said...

@ paperdoll - honga, ako yung majundang mangQQlam at ikaw naman ang nakababatang mangQQlam! haha!

iceah said...

cute c: katuwa namn kayo c:

Gorgeous Nelly said...

hi maya, thanks for dropping by my site. you can earn through doing paid posts or through google adsense or any other similar sites that serve ads on your site.

Alex said...

regards nalang ako sa cute na gurls dyan sa pics... hehehehehe....

-Alex C.
-a.k.a. "bataNgsasG"

chubskulit said...

I agree cute and gorgeous nga... pretty din lil princess mo...

I'll be following your blogs, i enjoyed reading your entries..

Joops said...

The kids are absolutely adorable. It makes me miss dressing up and going out for trick-or-treating. You have a nice pic. Are you really that pretty or are you just photogenic? hehehe

M A Y A said...

@ joops - ahhmm, yeah, im that pretty... thank God to my photo editing skills. hahaha!