Dear Buraot,
Una sa lahat, gusto ko munang malaman kung ano'ng ibig sabihin ng buraot. Kamag-anak ba yun ng balahura at balasubas?
Heniwey, gusto ko lang malaman mo na ito ang aking official entry sa iyong Sikatchupoy Contest.
Baka kasi swertehin ako, aba sayang din ang prize, kahit consolation lang na $100 okay na sa 'kin. Maganda naman ang intensyon ko... ibibigay ko ito sa charity. Oo, sa charity - sa mga inaanak ko! lol! Pero dahil mahigit apatnapung bata ang inaanak ko (yung iba dalaga't binata na pala), kulang yung $100 Mr. Buraot, kaya yung 1st prize ang pinupuntirya ko. Compute, compute, convert... hmmm, sa $300 x P49... ayos, tigti-three hundred kayo mga bata!!! Yun ay kung mananalo. Ipagpe-pray over ko yan.
Ang hirap pumili ng post mo na gagawin kong entry... pero naisip ko, ba't pa ba 'ko nagkakandapili eh bobolahin mo lang naman yun sa pamamagitan ng isang tambiolo, so chamba romero ang labanan. Naiisip kong magdagdag pa ng syam na blog para bale magkaron ako ng 10 chances of winning. Pero baka rin kasi topakin ka at piliin mo ang pinaka... pinaka-nakakatouch, pinaka-nakakatawa, pinaka-nakakainis o pinaka-may sense.
At etong Mahal Ang Araw ang isang post mo na nagustuhan ko. Bakit kamo? Wala ka na dun! Harharhar! Ackhuli, gusto ko sya kase Pilipinong-Pilipino ang dating. Kumpleto ang description mula sa mala-pyestang event, yung mga nagpepenitensya - para ko silang nakikita at pinapanood din in flesh, pati na rin yung may ipinapako sa krus at yung mga Morion na sinasabi mo. Ang galeng! Para sa mga kagaya kong hindi pa nakaka-witness ng ganyan at tamad namang mag-gugel o mag-yuchoob para lang mapanood kung ano bang meron sa probinsya nyo, eh okay na rin 'tong mabasa ko post mo na 'to. Solved na, 'ika nga. Hindi kita binobola ha, inuuto lang kita.
Ay sya, kung hindi man ako magwagi, mang-aasar na lang ako. Sa kababasa ko ng mga entries mo, nalaman kong gurang ka na pala talaga. Sus, kung makapanlait naman ako 'kala mo ako eh kabataan ano? Heniwey, narito ang mga nakalap kong "ibidinsya" na nagpapatunay na malapit ka nang makaramdam ng midlife crisis.
1. receding hairline aka napapanot ka na. nakita ko dito at dito ang mga pruweba
2. nirarayuma ka na
3. inabot mo ang singkong kulot
4. inabot mo ang Voltes V
Bawal ang pikon. Alam ko naman na hindi ka pikon kase nagkalat naman sa blog mo ang pag-amin na hindi ka na bagets!
Najejebs na,
Maya
Note:
Para sa mga gustong sumali sa patimpalak ni Buraot, bisitahin ang Anak ni Kulapo website. Pero sa isang banda, sana wag na kayong sumali para naman di lumiit ang chance ng pagkapanalo ko. *evil grin*
Nov 27, 2008
An Open Letter To Buraot
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
you're aweSome maya, my wife was grinning and chuckling while translating it to me lol..
hahaha I love this entry, goodluck sana nga manalo ka hahaha..
sabi ni hubby, sana daw english entries mo kasi pag nasa work ako nagvivisit sya di nya maintindihan wahahaha..
hahaha I love this entry, goodluck sana nga manalo ka hahaha..
sabi ni hubby, sana daw english entries mo kasi pag nasa work ako nagvivisit sya di nya maintindihan wahahaha..
hehehe...sige ibibigay ko na sayu yung lim-fuck lim-fuck na singkong nangungulot.. kulot-kulot.. kulo-kulobot.. at puro kurubot...
joke joke...
sige sige good luck..
sana manalo tayo..
napadpad lang po at naligaw dito. napadaan at patingin tingin lang...
hellO! its been a while that i haven't visited here..and now am finally here!just sniffin' around!take care.see u at mine!
@ joops - thanks for the regular visit.
@ chubskulit - oo nga, sana manalo ako para matuwa naman mga inaanak ko. pls tell joops na mahirap magpatawa sa english, baka magdugo ilong ko! hehe!
@ kosa - yup, goodluck sa 'tin... dehado ako sa 'yo kse dalawa entries mo, haha!
@ rhyannefranz - salamat sa pagdaan, sana makabalik ka dito. :)
@ gagay - tnx for the visit. :)
aba sana nga at manalo ka maya...
sayang din ung magiging fera para sa inaanak mong di masyadong karamihan...hehe
gudlak!
@ mavs - salamat. sobrang dami talaga ng inaanak ko, nakakatuwa pero nakakawasak ng bulsa pag Pasko. hehe!
Hi Maya, interesting itong post mo ah... Have a nice weekend :)
good luck ate maya! sana makuha mo ang 2nd french fries. . kasi akin ang 1st. . lol
Sana manalo kayo! Good luck!
mapupunta naman p[ala sa charity ang mapapanalunan nyo kung sakali...
Post a Comment