Nov 25, 2008

Tags and Awards

Ang tagal kong absent. Pag ganito kasing nagi-snow, nakakatamad gumalaw, ang sarap ng laging nakahilata. At ngayon, sa aking pagbabalik, ipo-post ko na ang mga utang ko. Ano pa eh di mga tag-tag na yan at awards.

Tag from Vhonne slash Batanggero slash Drunk Writer and Arnie.

10 Facts about myself:

1. I'm a Friendster adik. Ngayon nagiging Facebook adik na rin.

2. Spoiled ako ke hubby. Pag hiniling ko, ibibigay nya (kung afford nya, hahah!).

3. 8 yrs akong tumira sa Singapore pero konti lang ang natutunan kong mandarin/malay/tamil words and phrases. Ang hirap kaya.

4. Miss ko na ang naka-flip flops lang pag aalis ng bahay. Pag ginawa ko yan dito, tyak na patay lahat ng kuko ko sa paa sa sobrang ginaw!

5. Dati, pinangarap kong maging singer sa Japan. Sinermunan ako ng Tatay ko.

6. Tirador ako ng kaning lamig. Kaya kong kumain ng sandamakmak na kanin kahit konti lang ang ulam, kaing kargador daw ang tawag dun. lol!

7. Mahilig ako sa shades (sunglasses).

8. Makakalimutin ako. 'Di kaya magkaron ako ng Alzheimer's disease pagtanda ko? Lord, wag naman po!

9. I'm perpetually tardy. Masama loob ko pag sobrang aga ko sa pupuntahan ko. Pero okay lang sa 'kin pag late ako.

10. Nagsisisi ako na hindi ko na-practice ang pagiging Registered Nurse ko. Pero may kasabihan nga na "it's never too late".

Now, gusto kong makaalam ng 10 Facts about these peeps: Shelo, Justkyut, RJ, Marie, Bam, at Francisko ... Wag kayong KJ, gawin nyo 'to! At hindi ko na rin ilalagay ang instructions, malalaki na kayo, I'm sure alam nyo na ang gagawin nyo. Kung nagawa nyo na yan before, pwes gawin nyo uli, basta!

oo0oo

Nakatanggap ako ng ilang awards mula sa iba't-ibang award giving bodies gaya ng Oscar, Famas, Star Awards, Gawad Urian atbp. Pasensya na ngayon ko lang maipopost kase nga maginaw dito sa Northpole, nahihirapan akong mag-type. OA! Hahaha!









Salamat kay Dylan para dito sa Rose Award. Ipinapasa ko ang award na 'to kay Ilocana. This is for you kabsat.



Ito naman ay galing kina Shelo, Dhianz at Shirgie. Ang cute-cute-cute ko. Kelangan tatlong cute kase tatlo silang nagbigay sa 'kin. Now, I'm passing this to Aian, Justkyut (pangalan pa lang cute na!), Drunk Writer & Paranoia (ang bagong-bagong loveteam sa blogsphere).




Got this from Shelo. Peyborit naming bigyan ng award ang isa't-isa... ba't ba?... wala na kasing pakelamanan! I'm passing this award to RonTuron na dati ko palang opismeyt sa isang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Lopez. Pasensya na kapatid pero 'di ko alam kung ano'ng ibig sabihin ng premio dardos, basta binibigyan kita ngayon ng award dahil pa rin sa 'yong kabaitan - salamat uli sa header. Heheh!





Gagay and Shirgie gave me this award. Bakit lemonade? Ewan ko ba. Siguro dahil nagmamaasim ako. Haha! Parang si Madam Auring, lagi nyang sinasabi na may asim pa sya. lol! Ipinapasa ko naman ito sa mga maaasim rin na sina Marie, Marga at Phebie.




Bigay naman ito nina Bam, Francisko and Aian. And I'm now passing this on to Paperdoll (kahit naiimibitahan sya ng pulis para dumulog sa presinto, loves ko ang batang yan at ang kanyang funny blog), Vhonne (yeeeey! may hipag na 'kong ubod ng ganda!), Shelo (bat parang sad ka these days girl?)







Wonder Woman award from Shelo. O ha, wonder woman daw ako, sabagay mahirap maging homemaker 'kala nyo ba? I'm giving this award to Edelweiza, Ilocana, Faye, and Shy and Dhianz.






This award was given by Paperdoll and Vhonne. I'm passing this to Shirgie, Bam, Francisko, RJ and Dylan.








Ito naman po ay mula pa rin kay Shirgie. Kelangan daw magbigay ng 5 Reasons to Smile (today)...
1. Andami kong awards! Weee!
2. Ang sarap ng breakfast ko - tapsilog, home-cooked by ME!
3. Hindi masyadong maginaw ngayon.
4. I've another paid review assignment.
5. Sale ang Christmas tree sa Walmart, $30 lang yung 6ft. Yeeey!

I'm now passing this award to Arnie, PioJun, Shelo, Ilocana, Chubskulit, and PatrickJohn.









Another award from Shirgie. Ipinapasa ko 'to sa lahat ng nasa blogroll ko. Bahala na kayong dumampot!



Ayan, natapos din sa wakas. Ang hirap bunuin ng entry na 'to kase katakot-takot ang links.



22 comments:

Maus said...

salamatttttttttttttttttttttt
natatawa naman ako natapat pa yung name ko sa macho waman award.....
dakila ka kaibigan..
missko na din mag flips pag alis ng bahay or kana short and tshirt lng....hayyyyyyyy baka astmahin tayo pag ginawa natin yun hahahahahahah ciao amiga!!musta na yung another blog mo? di pa ipinapanganak?

Marie said...

hmm,kakawindang ang sobrang tagalog nito hehehe..certified bisaya kasi ako. dumudugo tuloy ilong ko..pwera biro, susubukan ko nga magtagalog kung kayo ko.. thanks sa tag,este salamat sa tag pati na sa karangalan. :)

RJ said...

Wow! Maraming Salamat po sa award. Ang ganda ng nakasulat: The World Wide Web Awards FRIENDSHIP AWARD.

Mabuhay ang My Two Cents!

kosa said...

wow.. dami daming awards...lols binabati ko ang mga awardee... lols

Aris said...

nakakatawa naman ang no.6 sa 10 facts. pareho tayo, hilig ko ring meryendahin ang kaning lamig. at ang paborito kong ulam? sardinas! hehe!

inggit ako sa pagiging grandslam queen mo! talbog si lorna t. sa dami ng awards hehe! :)

BAM! said...

thanks! yung 10 facts is on my blog already :)

M A Y A said...

@ maus - haha! si wonder woman yun,oo nga no ang macho nya! hehe!

@ marie - ay grabe di sanay magtagalog... sige kahit english pede na rin, epistaxis ito!!! haha!

@ RJ - mabuhay din ang mga manok! yesss!

@ kosa - naipon lang kc yang mga yan, now lng ako sinipag i-post, hehe!

@ aris - ay dinalaw mo ko aris? tuwa naman ako nyan!!! fave ko din sardinas!!!!

@ bam - oo pansin ko nga, un award na lang i-grab mo.

Justkyut said...

Hello po! I have done it po. Thanks po. =)

M A Y A said...

@ justkyut - salamat din. :)

Vhonne said...

ate maya!!

salamat!... nakuha ko na awards ko...

M A Y A said...

@ vhonne - grabeh! sobrang in luv ang batang 'to! hehe!

chubskulit said...

salamat po ng marami sa awrd hehehe.. I grabbed the last one, meron na ako nung isa heheh.. mwah!

misty said...

wow, hinakot mo lahat ng awards ah hehehe.. Congrats!

M A Y A said...

@ chubskulit - tnx girl!

@ misty - si Rose ka din di ba? oo nga hinakot ko mga award, sayang walang kasamang cash! hehe!

The Gasoline Dude said...

Huwaw! Dami awards! Isa kang Grandslam Queen. *LOLz*

Dylan Dimaubusan said...

uy, 8 years??? tagal ah.

bumabagyo!!! ng awards, sana lang may cash noh, o kaya eh freebies, (asa)

M A Y A said...

@ gas dude - nyeh! naipon lang yan kaya parang andami, tamad lang ako i-post agad pag may new award. :)

@ dylan - oo nga, sana next time may libre man lang na kalendaryo yang mga award-award na ganyan. hehe!

Aian said...

gave you another award Maya...just get in my page...=)

M A Y A said...

@ aian - award ule? uuyy, tenchu! cge ipunin ko uli para isang post na lang. :)

mArGa said...

hi maya! thanks 4 d award! ill promise to post it s0on! ;)

Ilocana said...

Adu nga salamat kabsat! Daming award ah,,appreciate them 3...Post ko na lang pag nasa Alabama na us. Salamat uli^_^.

Belated happy Thanksgiving nga pala. Pasensya na kung medyo panis na ha,ha,ha...Malilimutin na eh..
Enjoy the weekend.

Marie said...

ive done that tagalog tag..bisitahin mo nman sa blog ko at nang marate mo kung ano ang standing ko..sis, super tlaga ang epistaxis ko nito,hahaha!