Nov 7, 2008

6 Random Things

This is a tag from Marie. Salamat girl!

So here are 6 Random Things about me:

1. Crush ko si Piolo Pascual. Kahit maraming nagsasabing bading s'ya... bading nga ba s'ya? Sayang, fafalicious pa naman! Ah basta, I crush him. Period.









2. I was once a Company Nurse sa isang factory ng mga butones sa napakatrapik na lugar na Novaliches. Na wala naman akong ginawa kundi maglinis ng sugat, maglagay ng betadine at ibalot ng gasa ang mga daliri ng mga empleyadong nadisgrasya sa makinang panggawa ng butones. Bukod dyan, trabaho ko din ang magbigay ng gamot sa kanila... peyborit nila ang Alaxan, Neozep at Imodium. Mga adik! Moral lesson: kung RN ka, wag kang magwork as Co. Nurse, mabuti pang mag-call center agent ka na lang. lol!


3. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa call center, may mga pagkakataong pag nagdadasal ako bago matulog ay ganito ang nasasabi ko. "In the name of the Father, and of the son and of the Holy Spirit. Amen. Good morning, this is Maya, how may I help you?" Sorry Lord, tao lang po.

At ganyan din ang nagiging sagot ko dati kapag nagriring ang phone namin sa bahay. Amp!




4. Yup. Naranasan kong maging wedding singer nung nasa Pinas pa 'ko. At oo naman, may talent fee ha! Kaso di na nag-flourish ang career kong yan dahil papunta na 'ko nun sa Singapore at 'di naman uso dun ang mga wedding-wedding singer na ganyan, di yun feel ng mga chekwa.



5. Pangarap kong maging Barista. Ang babaw ba? Weno ngayon?







6. Hindi ako marunong mag-bike. At sabi nila, karaniwan daw sa mga hindi marunong magbisikleta ay hindi rin marunong lumangoy. Mukhang tama sila kase 'di rin nga ako marunong lumangoy. Loser!





Now I'm passing this tag to anyone who wants it, hahaha, bahala na kyong i-grab kung gusto nyo.

23 comments:

JoShMaRie said...

hindi rin ako marunong magbike. hehe

M A Y A said...

@ josh - hehe! apir tayo. eh lumangoy marunong ka?

paperdoll said...

hahaha. . pwede ba makisali sa usapan nyo. . hindi co naman pinangarap matutong magbike, , kaya hindi rin aco marunong. . wahaha. . pero marunong aco lumangoy kasi nalunod na aco. . lol

at crush co rin si papa P. . kung may mangyayare samin di na co maghihinalang bading sya. . lol. .

kelsenner ka pala ateng . . ngeon co lang nalaman. .

may ginintuan at pilak ka palang boses. . di ka naman magiging singer kung magkabases teo. .lol

RonTuron said...

tita maya!
pwede ko bang i grab to?
baka kasi tao lang ang pwedeng mag-grab hindi kasi ako tao. hahaha

kooonin said...

gusto ko ring magsideline bilang barista sa sbux.. masaya kasi don :)

ZJ said...

HiMaya... bakit ako marunong mag-bisikleta pero di naman marunong lumangoy? *lol*

flor said...

nakaktwa ang prayer mo. nakakaawa talaga mga call center pipol

Nebz said...

Natawa ako sa post mo. Bagong bisita ako from saudi.

1. Sabi nga nila.
2. Fave ko rin ang immodium. Ask mo no question, I'll tell you no lies.
3. Pareho tayo. Paguwi ko sa Pinas, pag nagring ang phone, company name namin ang sinasabi ko sa caller.
4. At least nakakakanta ka.
5. Ako, pangarap ko?...madami. at least ikaw, alam mo kung ano ang pangarap. Ako sa dami, hindi ko alam ang uunahin.
6. Marunong akong mag-bike, pero hindi mag-swimming. Does that make me half-loser?

M A Y A said...

@ paperdoll - cge pag may nangyare senyo ni Papa P. irekomenda mo din ako sa kanya ha, hehe! and yup, RN ako na nasadlak sa col center.

@ r2r - cge grab lang ng grab, free yan!

@ kooonin - mukha nga ok maging barista, like ko tlg un.

@ zj - heheh! at least marunong kang mag-bike. ako wla tlg!

@ flor - ha? kakaawa kame? bat naman? huhu!

@ nebz - hmm, lam ko kung bat fave mo imodium. heheh! at least half-loser ka lang, ako one whole! hahah!

PEDRO <- - - said...

naka relate ata ako dun sa prayer mo maya.. thanks for calling!

M A Y A said...

@ pedro - haha! yeah, thank u for calling, have a good day!

mary narvasa said...

haha. aus ang post. ako yoko ke papaP. hehe. but buti narin yun, para di tau karibal! hehehe.. ;0

salamat sa laging pagbisita sa blog ko ate. ;]

free webs template said...

CONGRATULATIONS!

ambrucia said...

i can't also even understand but naatract ako sa mga bading... may crush ako as sayang talaga at naging bakla. sarap pa naman sana ng katawan, kaya lang inisip niya "mas maganda pa ko sayo noh!"

but ba naman kac mga gwapo ngaun mga bakla... lung gusto mo naman ng straight guy, u must go sa mga addict looking para sigurado...

try mo ma crush sa babae din. joke!

Dangel said...

hi mayalicious... add kita sa link ko ah! hehehe. tc

Rockstar24 said...

hi maya.. pa ex link naman.. tnx

Rockstar24 said...

ate ok na..... paki na lang ha.. thanks... danda 2 kids mo

M A Y A said...

@ mary - yup akin lang si Papa P. heheh! feelingera 'ko eh!

@ ambrucia - oo nga, andaming bading na gwapo! sayang sila.

@ dangel - sure... salamat. link din kita... kayo ng hubby mo.

@ rockstar24 - salamat... mana sila sa ina nila eh, wahaha!

JoShMaRie said...

salamat sa pagbbabasa ng mahaba kong entry. hehe. :)

Maus said...

hi maya..
nakaka tuwa pag andito ako...salamat at napapatawa mo ako sa iyong blog na full of sense....yan ang kailangan natin ngayon di pa naman uso xmas dito ang lungkot...at least dito full of xmas song salamat...

misty said...

ako din crush ko si fafa filo hahaha

nahj12 said...

ako din. .crush ko si papa piolo.. ahhaha

M A Y A said...

@ josh - walang anuman gurl.

@ maus - oo nga, nangangaroling na nga 'ko kaso wala akong mauto. haha!

@ misty and nahj12 - delicious tlg c papa P. noh?