Oct 30, 2008

DTI finds violation in 'Wilyonaryo' segment of "Wowowee"

Nahuli na naman ako sa balita. Lumabas na pala ang resulta ng investigation sa "Wilyonaryo Panloloko".

Part of the decision read: "A reasonable assessment of the existing game mechanics and procedures implemented at the time of the subject 20 August 2007 'Wilyonaryo' episode reveals that the game show segment allowed a reasonable likelihood of error and provided the host and organizers significant latitude in controlling the outcome of the contest."

Hence, the government agency ordered ABS-CBN to pay the P290,000 fine and come up with an execution of written undertaking.
- pep.ph

So ano 'yun? Talagang nanloloko sila ng mga tao? Grabe naman sila. Kung ako dun sa contestant na involved, magdedemanda ako at baka sakaling mapasaakin ang 2 million or kahit ilang porsyento lang nito.

Itong video sa yuchoob kung saan pinapraktis pa nina Willie ang karumal-dumal at maitim nilang balak na panloloko, totoo ba 'to?



Hay naku! Pasintabi na sa mga kapamilya fans d'yan pero 'di ko masikmura 'yang si Willie, napaplastikan ako sa kanya pwamis! Nung sa Singapore pa kami nakatira TFC subscriber kami kasi itong si mother nature (nanay ko) ayaw ng mga lokal na palabas sa Singapore, at ayaw din n'ya ng cable programs, nosebleed daw. So sige subscribe sa TFC ($15 kada-bwan), na-notice ko lang 'tong si Willie lagi nakabalandra ang pagmumukha sa opening ng show at panay ang kanta, at 'kala mo nagcoconcert sa dami ng songs. Sige okay na 'yun, pagbigyan ang hilig sa pagkanta eh kaso mo araw-araw 'yun at 'yun din ang mga kinakanta n'ya. Faulet-ulet! Paksyet! (Rhyme?)

Tapos kadalasan pa lagi n'yang binabara at pinapagalitan ang mga co-host nya pati 'yung ibang crews. Heller! Ano'ng akala n'ya LOPEZ din ang apelyido n'ya?! Sobra pa s'yang swapang, parang gusto n'ya s'ya na ang host, s'ya na rin ang sarili n'yang co-host, direktor, crew... sa susunod magsasayaw na rin 'yan at magtututuwad gaya ni Luningning.

Ay, baka may Willie fan/s na makabasa nito, mawalang galang na pero opinyon ko 'yan. Walang pakelaman! Hep hep, hooray!

10 comments:

RJ said...

Iba talaga pag may TFC, updated.

Magpapakabit rin sana ako, 2 months ago pa kaya lang gusto ng employer ko ground-mounted ang satellite dish. Nung sinabi ko yun sa TFC, parang nawalan sila ng gana,hanggang ngayon wala akong TFC.

Sa Lunes tatawag ako ulit.

paperdoll said...

hahaha. . napanuod co na to. . gago talaga yang si willie. . hehe. . nabadtrip din aco nung nawala si lara jan sa wowowowowow. . . hahaha. . :-P

pero tingin co naman ah. . sa tingin co wala acong makita. . nyahahaha. .

Vhonne said...

awts... lagi ako nanonood nyan... pero hindi buong show... isa lng ang pinapanood ko jan...

si "MILAGRING" ko... amf.. un lng at siya lang... wala ng iba.... ahaha...

wala akong pakialam kung gaano kalaki ang premyo... makita ko lng c milagring... panalo na ako...

sa mga isyu na ganyan naman... bahala na sila... basta ako.. balita at commercial lng pinapanood ko.. bukod kay milagring.. amf..

Chyng said...

even my pamangkin, she's 6, pag nakita ang Wowowee will say "Ayoko niyan, ang cheap!" haha

Kids dont lie.. ;)

JoShMaRie said...

sa 3 at kalahating taon ko sa saudi, TFC ang 3 dun, yung kalahati GMA. Negosyo kasi yan, Kaso mejo nakakaasar nga lang kung may dayaan. Kahit saan naman kung may dayaan nakakaasar. In fairness naman kay willie, utusan lang din naman sya jan. Ika nga nila:

"Dont blame the weatherman.. "

Pero thats just me. kanya kanyang opinion lang naman yan.

kooonin said...

we share the same sentiments sa host ng tv show na ito.

faye said...

hahaha
kapatid napapasaya mo ako pag dumadaan ako hir
musta na?

M A Y A said...

@ rj - 'yaan mo ipararating ko sa kinauukulan yang hinaing mo, heheh!

@ paperdoll - oo nga, sayang si lara.

@ vhonne - pinagpapantasyahan mo pala si milagring ha!

@ chyng - korek ka dyan!

@ joshmarie - true sister, kanya-kanyang ipinion nga yan and oo naman, kahit saang may dayaan eh nakakainis. Pero yung utusan sya ng alam nyang sobrang mali, and yet sumunod sya... what does that make him?

@ kooonin - apir tayo pare...

@ faye - salamat sa pagdaan... im good, ikaw kumusta na?

Joops said...

Wowowee is our favorite show. My daughter Rylie is absolutely crazy about it in all aspects.
For pure entertainment value, it completely blows Eat Bulaga away. I can't even see the contest or why people enjoy watching Eat Bulaga. I don't find it funny or entertaining and I really don't like the hosts. If anyone is in disagreement with me.....too bad....hehehe....it's my opinion.

M A Y A said...

@ joops - well, yeah... at the end of the day, we have our own opinions. you're a kapamilya while im a true blue kapuso, hahah! for me, eat bulaga rocks! yep, including its hosts.