Uhm, 'di ko kayo minumura ha... Frequently Asked Questions yan, hiniwalay ko lang ang Q para... aahm... wala lang, para masaya! Dito ko ipo-post ang mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na matagal ko ng gustong hanapan ng sagot. Gaya nito:
Siguro naman nakikita n'yo din 'yan sa kung saan-saang barberya sa kahit saang bansa. Ano ba 'yan? Okay, ang tawag d'yan ay Barber Pole. Dati inisip ko na chever lang 'yan ng mga barbero para makatawag ng pansin sa mga customer. Para bang kahit isang taong 'di marunong bumasa or malabo ang mata e malalaman n'yang may barberya sa lugar na 'yun kapag nakita n'ya ang posteng 'yan na may guhit na puti, pula at asul at umiikot-ikot.
Ayon sa aking masusing pananaliksik gamit ang internet, ang serbisyo ng barberya ay nagsimula 6,000 years bago pa isilang si PapaLord. Noon daw ang pag-gupit ng buhok, pag-ahit ng bigote/balbas, pagbunot ng ngipin, at surgery (blood letting) ay ginagawa sa isang BARBERYA. Ang tawag sa kanila ay Barber Surgeons. Sa kanilang proseso ng surgery, gumagamit sila ng puting tela na kanilang pinamumunas sa dugo ng pasyente, pagkatapos ang mga tela ay kanilang nilalabhan... eeeww, 'di pa sila sanitized noon kaya nagamit na ginagamit pa uli after labhan, eeeww uli. At dahil 'di pa rin uso noon ang Tide Ultra Laundry Detergent, kapag daw isinampay nila ang mga telang ito sa labas ng kanilang barberya ay may mga blood stains pa. At d'yan na raw nagsimulang magpabonggahan ng sinampay ang mga barbero ng kanilang mga puting tela na may mantsang kulay pula. At ngayon nga, 'syala na ang mga barber pole, dinagdagan pa nila ng kulay asul at meron pang paikot-ikot effect silang nalalaman.
So ayan, maliwanag na sa akin ang lahat.
Hanggang sa susunod na FA-Q.
Oct 7, 2008
FA - Q
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
haha ganon pala kwento non LOL. thanks for sharing. now i know.
Post a Comment