Oct 18, 2008

Shocking News: Hormel Supplier's Cruelty To Pigs and Piglets

Adobong baboy pa naman ang ulam namin kanina. Bigla tuloy akong naawa sa karneng baboy na pinagkakulo-kulo ko sa suka at toyo, sinamahan pa ng sandamukal na bawang. Sowee Babe.

Natisod ko sa news sa internet ang balitang ito. Ang pagmamaltrato sa mga inahing baboy at biik sa isang farm sa Iowa. Nag-undercover ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) sa nasabing farm at doon nila nakita ang pagmamalupit sa mga baboy.

'Di ko natapos panoorin ang video. Hindi kaya ng sikmura ko. MAS BABOY PA SILA SA BABOY! Sana bumaligtad ang pangyayari, ang mga taong ito ang ilagay sa kural, pakainin ng darak, katayin at gawing meatloaf, ham, sausage or bacon. Pu@#$%&*# nila!




Ang farm na ito ay supplier diumano ng...



... at ito ay ilan sa kanilang mga produktong de lata:




I'm sure naipaalam na ng PETA sa Hormel ang kanilang imbestigasyon at kung patuloy pa rin silang aangkat ng mga karneng baboy sa farm na ito eh di para na rin nilang kinunsinte ang pagmamalupit sa mga baboy.

Basahin dito ang kumpletong balita.

Parang gusto ko na lang mag-ulam ng pakbet bukas.

7 comments:

JoShMaRie said...

nakow. peyborit ko rin ang adobo.

paperdoll said...

promise magvevegetarian na co. . kawawa naman yung mga kalahi co:-(

M A Y A said...

@ joshmarie - i make the best adobo, padalhan kita, hehe!

@ paperdoll - kalahi ka dyan eh ang seksi mo kaya? :)

Vhonne said...

hala.. bakit pati biik... amf... maxdo naman sira brutal nyan... awts

M A Y A said...

@ vhonne - onga eh! ang sama nila, di bale darating ag panahon at lilichunin din ang mga kaluluwa nila sa hell.

palaboy said...

makes me wanna be vegan T_T

M A Y A said...

@ palaboy - yeah. me, too.