Oct 20, 2008

Whatever Happened To Josephine "Banig" Roberto?

Dahil sa isa sa mga posts ni ka-blogger na si Bb. Alindogan kung saan nabanggit n'ya si Banig, bigla akong napa-isip, nasaan na nga ba s'ya? Matapos n'yang manalo sa Star Search sa USA nung 1989 ay wala nang naging balita pa tungkol sa kanyang career.

So, I decided to travel far and wide (via Google) para hanapin si Josephine "Banig" Roberto at alamin ang latest tungkol sa kanya.

Eto s'ya dati:



At eto na s'ya ngayon:



She's now set to release an album in Manila. 'Di naman pala s'ya tuluyang nawala sa limelight sa US kaso 'di rin s'ya sumikat ng bonggang-bongga at 'yun nga nadaig pa s'ya ni Christina Aguilera na kanyang tinalo sa Star Search n'ung araw.

Read more about Banig here.

6 comments:

paperdoll said...

1988 aco. . 2years old lang aco nung sumikat sya. . haha. . kahit makasalubong co ata sa rotonda si "banig" di co sya makikilala eh:D

M A Y A said...

ok fine, kami lang mga nakatatanda ang nakakakilala kay Banig, wahaha!!!

Marlene said...

well..actually 1987 din ako pinanganak, kaya di ko din siya masyadong inabot, pero nakilala ko siya nang dahil sa case ni Charice P., siya kasi ang unang Pinoy na gumawa ng malaking ingay...at pangalan...sa tate...

ang ganda ng simula niya kaso lang di pinalad...kasi lahat ng mga pinangako sa kanya ng project walang natupad...

pinanood ko din halos lahat ng vid niya sa Youtube...

ayun...nakakalungkot lang...

pero talented talaga si banig, kasi bukod sa kanyang talento sa pag-awit eh marunong din siyang gumawa ng sarili niyang composition...

o di ba?

salamat diyan Maya..ahehe...

M A Y A said...

ay sya, so ako lang pala ang "ancient" dito, hehehe!

Marlene said...

ahaha..di naman po...

Lady_Gladiator said...

I was born 1983 sa Mindoro Oriental. Wala pa sigurong TV parents ko by that time, so iwan kung kilala nila si Banig, pero curious pa rin akong namalan kung sino talaga siya...hmmmm