Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.
Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.
Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.
Oct 29, 2008
Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong (2)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
nice blog sister
tunay nga ito haha
gusto ko yung pangawala.hehe
nung nabasa ko ung una... kala ko... pinakamaganda n un.. eto pala ang pinaka na, the best pa...
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
galing talaga...
Sang-ayon ako sa lahat na ito!
[Nagulat naman ako sa nakasulat sa itaas ng comment box! "Mga Pakialamero:" Ayaw mo bang may makialam sa iyo, or ayos lang sa 'yo ang may makialam? Naguguluhan ako. =) ]
WOW! I do more like this...
Thanks for finding this one..
galing mo tlga "IDOL".
hehehe!loves yah!mwaahhhhh!!!
"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
REACTION: Tama! Oo na, tanggap ko na. Di ako mahal ng lecheng jowa ko. Kaya goodbye na sa kanya...
"Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
REACTION: Kaya humanap ka ng panget at ibigin mong tunay. Ako? Oo, may nakita na akong panget. Hinihintay ko na lang na mahalin nya rin ako ng tunay.
"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
REACTION: Gaano ba ako katagal maghihintay? 26 years na akong nakapila ah! Lord... lol.
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
REACTION: Di ko na balak pang ikutin ang mundo para pulutin ang basurang tinapon ko na. Goodbye na nga eh di ba! Ang taray!
"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."
REACTION: Yuck! Ang baho ko!
Post a Comment