Capricorn - Akala mo lang na wala kang kaibigan. Dadami 'yan matuto ka lang manlibre.
Aquarius - Giginawin ka ng sobra sa araw na 'to. 'Wag kausapin ang kapitbahay mong ubod ng yabang.
Pisces - Sasabunin ka ng katakot-takot ng boss mo mamayang hapon. Kaya mag-resign ka na pagpasok mo pa lang sa umaga.
Aries - Good news: Buntis ang Misis mo. Bad news: Hindi ikaw ang ama.
Taurus - Malapit ka ng magka-jowa. Punta ka muna ke Dra. Belo.
Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila.
Cancer - Mag-ingat sa isang gwapong lalakeng makakasakay mo sa jeep na panay ang tingin sa 'yo. Balak ka n'yang holdapin.
Leo - Bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Tigilan na ang pag-kain ng panis.
Virgo - Kung napapansin na nanlalamig sa 'yo ang iyong jowa, malamang nadiskubre n'yang retokado ang ari mo.
Libra - Sisikat ka sa larangan ng pag-aartista. Ikaw ang susunod sa yapak ni Rene Requiestas.
Scorpio - Lalayuan ka ng mga malalapit mong kaibigan. 'Di ka kasi naliligo.
Sagittarius - Isang mabigat na pagsubok ang malalampasan mo. Makakabuo ka sa Sudoku.
Oct 19, 2008
Mayascope
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
ahehehe..ankulit... sana merong horrorsope na ganito..."magiging madilim ang iyong kapalaran ngayon, na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa umaga't hapon"....ahehehe...
ampuga ung mayasope ko: "Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila."...
kawawa naman sila...ahahaha...:D
virgo aco:D
nabulgar tuloy na retokada aco:D
buti na lang wala acong jowa:D
magiging artista pala ako? matutupad na din ang pangarap ko...
@ supergulaman - sus! di mo nman talaga kelangang mainggit, may grasya ka naman iho di ba? :)
@ paperdoll - ayan inanounce mo na na wala kang jowa, i'm sure madadagdagan na naman ang followers mo. heheh!
@ vhonne - oo, kaya umpisahan mo nang bungiin mga ngipin mo para mag-ala-rene requiestas ka na. joke!
hey maganda ito ipopost ko ito and link it to you c:hehehe c:
mwahahaha....
hanep naman ang sarili mong horoscope neng..ahaha
nakakaloka...
magreresign kaya ako???
ahha
@ iceah - sure, u can repost this.
@ marlene - wag muna, antayin mo ang mayascope mo next week at baka sakaling magbago ang iyong kapalaran. lol!
ahehehe...
sige po...
Post a Comment