Dec 19, 2008

Table For Sale

This table was for sale on eBay.


How can you tell this table is being sold by a man?

You may put your answers on the comment form.

Dec 15, 2008

I'm Back

Tapos na 'kong mag-emote. I should be moving on.

So, ano bang latest? May 'nawalang' artista, di ko sya kilala pero nakakalungkot din kase ang bata pa nya. Sa isang corner naman ng blogosphere, merong nagkainitan ng ulo dahil sa pag-comment sa isang comment, good thing now is - bati na sila. Dito naman sa amin, eto at malapit nang umabot hanggang tuhod ko ang snow at sobrang lamig na, kahapon lang umabot ng -40 ang temp. Hindi na sya nakakatuwa! Walong araw na lang at Pasko na pero ni isa wala pa akong nabibiling regalo so I think kelangan ko nang mag-panic. Nakakatamad naman kase lumabas ng bahay pag ganitong uber sa lamig, unang-unang dahilan - ang dami mong kelangang isuot pag lalabas ka ng bahay to keep you warm and dry.

Eto ang layering (ko) ng damit pag winter:
1st layer (after ng undies syempre): tank top, yung tight fitting and wicking material
2nd layer: long sleeved thermal top
3rd layer: sweater or any long sleeved top na medyo mainit sa katawan (fleece or wool)
4th layer: wind/water resistant insulated jacket, preferably yung may hood

Bottoms: (bukod uli sa undies) thermal pants then snow pants.

Syempre hindi lang katawan ang kelangang coveran, importante din na warm ang iyong ulo, kamay at paa. So you need to wear a hat or tuque sabay suot ng hood ng iyong jacket. Pag matagal ka sa labas at sobrang baba ng temp, you also need to wear ear muffs at baka di mo napapansin nahulog na pala ang isang tenga mo. Kelangan mo ng insulated na gloves, kung sobrang ginaw meron pa 'kong thin gloves na pang-layer. Ako kase pag lumabas kamay ko ang unang nakakaramdam ng lamig. Sa paa naman kelangan pa may sock liner then socks tapos saka mo isusuot ang iyong winter boots. Bukod sa mga yan, magsusuot ka pa ng scarf or neck warmer.

So ayun, pag suot mo na ang lahat ng yan mukha ka ng Santa Claus sa katabaan at ready ka ng rumampa sa snow. Weeeee!

Mas gusto ko pa rin ang weather sa Pinas, nakakamiss tuloy lalo na ngayong Pasko. Sigh. I'm sure blockbuster na naman ang mga mall sa dami ng nagki-krismas shopping, eh dito parang wala lang, ni wala nga akong naririnig na Christmas songs sa mga mall dito, ang KJ! Syempre di rin uso ang caroling, simbang gabi, bibingka at puto bumbong. PERO, pero, pero tuloy ang Pasko!! Kahit na konti lang kame dito na magcecelebrate, okay pa rin... at least konti lang reregaluhan, yun nga lang konti lang din ang matatanggap, lol!

Segway lang ako, b'day ni hubby tomorrow. Happy Birthday Sayang*. LuvU! Magpa-canton ka naman!

*Sayang is a term of endearment in Malay language. (Wala lang, maiba lang.)

Dec 9, 2008

Empty Cradle




November 30 - My Doctor confirmed that I was pregnant. I had easy pregnancies before and this one would be of no difference, or so I thought.

December 2 - I bled heavily. While I was being rushed to the ER, the blood gushed like hell. I told myself I'm not losing my baby, it's just blood, no pain... not even slight cramps. I wasn't giddy at all and I was very conscious. I know my little one was holding on to his dear life and I was more than determined to keep him. There's no way I'm letting go. My mind was very clear and my body was able, I was fear-free, I know my baby and I will get through this together. But the bleeding won't stop. I felt helpless as I look at my pants soaking with blood. At the hospital's ER, I felt blood clots coming out and I knew what that meant. Two kinds of ultrasound equipment were used to confirm my fear, I lost my baby and I couldn't do anything about it. Sadly, miscarriage is something you cannot stop once it occurred and I know no one is to be blamed. We have been blessed with 2 children but that doesn't make it any easier to let go. However, I know my little one is now peacefully resting in God's loving arms.



To my unborn baby,

I'm sorry we didn't even have a chance to touch you and hold you in our arms or kiss you. It broke our hearts to lose you... but we know God called you that day, He called you home. We'd love to have you here with us yet I know you're now sleeping in Heaven's nursery.

You're gone but not forgotten. You left too soon but you will forever stay in our hearts, my little angel.

We love you,
Daddy, Mommy, Kuya Reign and Ate Shine




"Some people only dream of angels, I had one in my womb."

Dec 1, 2008

Trendy Holiday Glass Frames

Zenni Optical, the popular online eyeglasses shop has a wide variety of frames to suit everyone's style. Furthermore, to be more competitive and updated, there are now Holiday Glass Frames From Zenni Optical! Isn't it amazing to be fashionable even with your eyeglasses during the holiday season? They even have $8 Complete Rx Eyeglasses which is really wallet-friendly.

Here's my favorite pair of frames for the holidays.





Nov 27, 2008

An Open Letter To Buraot

Dear Buraot,

Una sa lahat, gusto ko munang malaman kung ano'ng ibig sabihin ng buraot. Kamag-anak ba yun ng balahura at balasubas?

Heniwey, gusto ko lang malaman mo na ito ang aking official entry sa iyong Sikatchupoy Contest.


Baka kasi swertehin ako, aba sayang din ang prize, kahit consolation lang na $100 okay na sa 'kin. Maganda naman ang intensyon ko... ibibigay ko ito sa charity. Oo, sa charity - sa mga inaanak ko! lol! Pero dahil mahigit apatnapung bata ang inaanak ko (yung iba dalaga't binata na pala), kulang yung $100 Mr. Buraot, kaya yung 1st prize ang pinupuntirya ko. Compute, compute, convert... hmmm, sa $300 x P49... ayos, tigti-three hundred kayo mga bata!!! Yun ay kung mananalo. Ipagpe-pray over ko yan.

Ang hirap pumili ng post mo na gagawin kong entry... pero naisip ko, ba't pa ba 'ko nagkakandapili eh bobolahin mo lang naman yun sa pamamagitan ng isang tambiolo, so chamba romero ang labanan. Naiisip kong magdagdag pa ng syam na blog para bale magkaron ako ng 10 chances of winning. Pero baka rin kasi topakin ka at piliin mo ang pinaka... pinaka-nakakatouch, pinaka-nakakatawa, pinaka-nakakainis o pinaka-may sense.

At etong Mahal Ang Araw ang isang post mo na nagustuhan ko. Bakit kamo? Wala ka na dun! Harharhar! Ackhuli, gusto ko sya kase Pilipinong-Pilipino ang dating. Kumpleto ang description mula sa mala-pyestang event, yung mga nagpepenitensya - para ko silang nakikita at pinapanood din in flesh, pati na rin yung may ipinapako sa krus at yung mga Morion na sinasabi mo. Ang galeng! Para sa mga kagaya kong hindi pa nakaka-witness ng ganyan at tamad namang mag-gugel o mag-yuchoob para lang mapanood kung ano bang meron sa probinsya nyo, eh okay na rin 'tong mabasa ko post mo na 'to. Solved na, 'ika nga. Hindi kita binobola ha, inuuto lang kita.

Ay sya, kung hindi man ako magwagi, mang-aasar na lang ako. Sa kababasa ko ng mga entries mo, nalaman kong gurang ka na pala talaga. Sus, kung makapanlait naman ako 'kala mo ako eh kabataan ano? Heniwey, narito ang mga nakalap kong "ibidinsya" na nagpapatunay na malapit ka nang makaramdam ng midlife crisis.

1. receding hairline aka napapanot ka na. nakita ko dito at dito ang mga pruweba
2. nirarayuma ka na
3. inabot mo ang singkong kulot
4. inabot mo ang Voltes V

Bawal ang pikon. Alam ko naman na hindi ka pikon kase nagkalat naman sa blog mo ang pag-amin na hindi ka na bagets!

Najejebs na,
Maya

Note:
Para sa mga gustong sumali sa patimpalak ni Buraot, bisitahin ang Anak ni Kulapo website. Pero sa isang banda, sana wag na kayong sumali para naman di lumiit ang chance ng pagkapanalo ko. *evil grin*



Nov 26, 2008

Ano Raw?

"Take the square root from the side by side."

Pinasaya mo 'ko ng bonggang-bongga manong. I like you!

Nov 25, 2008

Tags and Awards

Ang tagal kong absent. Pag ganito kasing nagi-snow, nakakatamad gumalaw, ang sarap ng laging nakahilata. At ngayon, sa aking pagbabalik, ipo-post ko na ang mga utang ko. Ano pa eh di mga tag-tag na yan at awards.

Tag from Vhonne slash Batanggero slash Drunk Writer and Arnie.

10 Facts about myself:

1. I'm a Friendster adik. Ngayon nagiging Facebook adik na rin.

2. Spoiled ako ke hubby. Pag hiniling ko, ibibigay nya (kung afford nya, hahah!).

3. 8 yrs akong tumira sa Singapore pero konti lang ang natutunan kong mandarin/malay/tamil words and phrases. Ang hirap kaya.

4. Miss ko na ang naka-flip flops lang pag aalis ng bahay. Pag ginawa ko yan dito, tyak na patay lahat ng kuko ko sa paa sa sobrang ginaw!

5. Dati, pinangarap kong maging singer sa Japan. Sinermunan ako ng Tatay ko.

6. Tirador ako ng kaning lamig. Kaya kong kumain ng sandamakmak na kanin kahit konti lang ang ulam, kaing kargador daw ang tawag dun. lol!

7. Mahilig ako sa shades (sunglasses).

8. Makakalimutin ako. 'Di kaya magkaron ako ng Alzheimer's disease pagtanda ko? Lord, wag naman po!

9. I'm perpetually tardy. Masama loob ko pag sobrang aga ko sa pupuntahan ko. Pero okay lang sa 'kin pag late ako.

10. Nagsisisi ako na hindi ko na-practice ang pagiging Registered Nurse ko. Pero may kasabihan nga na "it's never too late".

Now, gusto kong makaalam ng 10 Facts about these peeps: Shelo, Justkyut, RJ, Marie, Bam, at Francisko ... Wag kayong KJ, gawin nyo 'to! At hindi ko na rin ilalagay ang instructions, malalaki na kayo, I'm sure alam nyo na ang gagawin nyo. Kung nagawa nyo na yan before, pwes gawin nyo uli, basta!

oo0oo

Nakatanggap ako ng ilang awards mula sa iba't-ibang award giving bodies gaya ng Oscar, Famas, Star Awards, Gawad Urian atbp. Pasensya na ngayon ko lang maipopost kase nga maginaw dito sa Northpole, nahihirapan akong mag-type. OA! Hahaha!









Salamat kay Dylan para dito sa Rose Award. Ipinapasa ko ang award na 'to kay Ilocana. This is for you kabsat.



Ito naman ay galing kina Shelo, Dhianz at Shirgie. Ang cute-cute-cute ko. Kelangan tatlong cute kase tatlo silang nagbigay sa 'kin. Now, I'm passing this to Aian, Justkyut (pangalan pa lang cute na!), Drunk Writer & Paranoia (ang bagong-bagong loveteam sa blogsphere).




Got this from Shelo. Peyborit naming bigyan ng award ang isa't-isa... ba't ba?... wala na kasing pakelamanan! I'm passing this award to RonTuron na dati ko palang opismeyt sa isang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Lopez. Pasensya na kapatid pero 'di ko alam kung ano'ng ibig sabihin ng premio dardos, basta binibigyan kita ngayon ng award dahil pa rin sa 'yong kabaitan - salamat uli sa header. Heheh!





Gagay and Shirgie gave me this award. Bakit lemonade? Ewan ko ba. Siguro dahil nagmamaasim ako. Haha! Parang si Madam Auring, lagi nyang sinasabi na may asim pa sya. lol! Ipinapasa ko naman ito sa mga maaasim rin na sina Marie, Marga at Phebie.




Bigay naman ito nina Bam, Francisko and Aian. And I'm now passing this on to Paperdoll (kahit naiimibitahan sya ng pulis para dumulog sa presinto, loves ko ang batang yan at ang kanyang funny blog), Vhonne (yeeeey! may hipag na 'kong ubod ng ganda!), Shelo (bat parang sad ka these days girl?)







Wonder Woman award from Shelo. O ha, wonder woman daw ako, sabagay mahirap maging homemaker 'kala nyo ba? I'm giving this award to Edelweiza, Ilocana, Faye, and Shy and Dhianz.






This award was given by Paperdoll and Vhonne. I'm passing this to Shirgie, Bam, Francisko, RJ and Dylan.








Ito naman po ay mula pa rin kay Shirgie. Kelangan daw magbigay ng 5 Reasons to Smile (today)...
1. Andami kong awards! Weee!
2. Ang sarap ng breakfast ko - tapsilog, home-cooked by ME!
3. Hindi masyadong maginaw ngayon.
4. I've another paid review assignment.
5. Sale ang Christmas tree sa Walmart, $30 lang yung 6ft. Yeeey!

I'm now passing this award to Arnie, PioJun, Shelo, Ilocana, Chubskulit, and PatrickJohn.









Another award from Shirgie. Ipinapasa ko 'to sa lahat ng nasa blogroll ko. Bahala na kayong dumampot!



Ayan, natapos din sa wakas. Ang hirap bunuin ng entry na 'to kase katakot-takot ang links.



Nov 19, 2008

Mali Ito. Maling-mali.

Akala ko mga manok lang ang pinagsasabong. Okay lang kung ang pinapanood kong sumasabog ang dugo sa ilong at kilay ay ang mga boksingero o wrestler o ang mga fighter sa UFC. Pero kung ang makikita mo ay mga batang dalawang taong gulang na nagbubugbugan sa pag-uudyok ng kanilang sariling ama??? Ano 'to???



Siguro napanood n'yo na yan at kagaya ko, alam kong nabubwisit kayo sa tatay ng mga batang 'to. Demonyo sya sa lupa! Grabe, at ang lakas pa ng loob nyang i-video at i-post sa yuchoob ang kademonyohan nya, ayan mananagot sya ngayon! Sabi nga nung Psychologist, "that's teaching the children how to be bullies." Kung ganito naman ang magulang, hindi nga kataka-taka kung bakit may mga batang lumalaking barumbado.

Nakakagigil. Nakakalungkot.


Nov 16, 2008

Foreign Accent Syndrome

Ano'ng gagawin mo kung isang umaga pag-gising mo eh iba na ang accent mo? Akalain mo, meron palang isang rare medical condition na tinatawag na Foreign Accent Syndrome. Nangyayari daw 'to sa mga taong kagagaling lang sa stroke or head injury. Pero konti pa lang naman daw ang may ganitong klaseng condition.

Gaya na lang nitong babaeng nasa video na si Tiffany Roberts, na kahit kelan ay 'di pa nakarating sa Inglatera pero isang araw, tadah... ayan meron na syang British accent. Winner 'di ba?



Okay lang kung British accent, ako I would love to embrace it, lols! Kaso parang masagwa din kung tagalog na tagalog ang salita ko tapos may British accent, 'di ba? Bloody hell!


(Info about Foreign Accent Syndrome here.)


Nov 13, 2008

Wishlist: MYNP (Make Your Nanay Proud)

Malabo pa sa mata ng lola ko ang nauna kong wish (na maging cover ng FHM). Eto pa ang isa kong wish na malabong matupad/suntok sa bwan - ang maging kaboses ni Juris. I wanna make my nanay proud too, y'know?

Maraming nagsasabi na 'di naman sya ganun kagaling pero para sa 'kin winner sya, 'di nga sya bumibirit gaya ng Aegis or ni Cheriz Peympeyngcoh (as Oprah and Ellen would pronounce it) pero swabeng-swabe sya kumanta. Nakakakanta naman ako ng konti pero di ganun kaganda para i-record at i-upload sa yuchoob at magkaron man lang ng 20 hits, alam mo 'yun? 'Di ko naman pwedeng pagbasehan ang score ko sa magic mic, kasi dun basta nasundan mo yung ilaw tyak na mataas ang score mo. Hmm, teka masyado ko naman atang nilalait ang kakayanan ko sa pag-awit. 'Di nyo naitatanong eh... kilala nyo ba si Rachelle Ann Go... o, hindi ko kaboses yun. lol. Pero naalala ko, nung nag-aaral pa 'ko ng Narsing at sakto namang December nun ay natapat ang duty namin sa National Center for Mental Health (oo, sa Mental Hospital 'yun!), syempre ang inyong lingkod na medyo may kakapalan ang mukha ay naatasang kumanta sa kanilang Christmas Party. Syempre pagkatapos ng aking mini concert ay standing ovation!!! Woohoo!! Eh pa'no ba naman karamihan sa audience ko ay mentally challenged, 'kala yata nila isa ako sa 'inmates' nila. Wahahah! O 'di kaya naman dahil nga sa wala sila sa kanilang katinuan eh napagkamalan nila akong si Mariah Carey, o ha?!

Hay naku, kung nakakabili lang ng boses na kagaya ng kay Juris eh talagang pag-iipunan ko. Andami nang sumikat at yumaman dahil sa angking talento sa pagkanta so syempre wish ko din 'yun. Pasensya na, ilusyonada lang.

Ay sya, pakinggan na lang natin si Juris. I'm sure her Momma is really proud of her.



From MYMP Website:
Julie Iris Fernandez (better known as Juris) hails from Davao and took her early education in Ateneo de Davao. She comes from a family of doctors and took BS Psychology in Miriam College as a pre-medicine course. Although she graduated a BS Psychology student, she pursued a career in music as a vocalist despite having no formal training in singing. Her cool and soft voice was eventually loved by the airwaves and the fans. Her quiet, simple and sweet appearance has made her appeal to the fans in their bar gigs and on TV. But despite all her success, she remains kind and fun-loving at heart.



Nov 12, 2008

Easy Business Loans from EZUnsecured

Are you thinking of starting a new business? Or maybe expanding it? Doing so may mean needing to get a working capital. A relative of mine recently put up a business and she was thankful that she was able to get easy Business Loans from EZUnsecured. She was also telling me how serious, efficient and experienced the people are in EZUnsecured. And guess what, her loan was approved in just 3 weeks! Imagine getting an unsecured financing for your business the easiest way possible. You may visit EZUnsecured.com anytime and be among the many businessmen who received outstanding results.

Nov 10, 2008

I Heart Jollibee

I'm craving for Jolly Hotdog, Yumburger, Chicken Joy, Spaghetti, Peach Mango Pie... haaaay, miss ko na Jollibee!

Marami-rami na rin akong nakainan na Fastfood Chains sa Singapore at maging dito sa Canada pero nami-miss ko pa rin ang mga pagkain sa Jollibee. Pinoy pa rin ang panglasa ko... matamis na spaghetti, mamantikang pritong manok, hamburger na may thousand island sauce... only in the Philippines. Sa ibang lahi, nilalait nila 'yang ganyang klase ng pagkain. Naalala ko tuloy hanapin uli ang 2006 blog ng isang Amerkanang si Pamela Ribon na nanlibak ng katakot-takot sa mga pagkain ng Jollibee. Kung gusto n'yo uli itong mabasa, pindot dito. At nilait din pala n'ya ang Kare-Kare ng Barrio Fiesta, peyborit ko din 'yun ah!

At dahil sa sinulat n'ya, marami palang mga Pinoy ang nagpadala ng hate mails sa kanya, gaya na lang nito:

hey loser. giving your rude comments about Jollibee? well then, think again. you're insulting Filipinos in general. lemme remind you that being american doesnt make you any more special than us, Filipinos.

allow me to quote you ignorant bitch
"Pam: You know, if I were at Taco Bell, and a group of Filipino girls came in, sat down next to me with a tray filled with shit, and started screeching and taking pictures? I'd be like, "I know! And we still eat it! It's called a 'Chalupa,' and we still put it in our mouths!"

why use Filipino girls as an example of your bitching? holy shit. youre so lame. and stop acting like a supreme goddess. you know what? im gonna let you know a little secret... you look like dung compared to any Filipinas i know. yep. thats true.. take my word for it.

well i think youre not just an ugly american. you are the WORST american.
You do nothing but discriminate filipinos and make your self appear mighty.
well, jollibee is MY country's PRIME fast food. We love it. We embrace it. We dont think it tastes like shit. I think the food given to you were dung infested. I mean, if i were the waiter, i probably wouldve put a lot of cow shit on your meal. yep. honestly. with all conviction.

and i have to agree with one of your bashers. WELL AT LEAST FILIPINOS ARE KNOWN TO BE CLEAN. we bathe a lot. unlike you americans who bathe like, 5 years of interval. if you can't be clean at all with yourselves, i wonder how you fools can be clean with the food you eat. and oh, all you have is boxed pasta, which tastes like diarrhea. eeeww much. well then, next time you label my race and the food we eat, think about yours and how disgusting you are. would you believe i can actually smell you here, foul stench (how more redundant could that be?)


Ang taray ng lola nyo di ba? Pero agree ako sa kanya.

Wala yatang Pilipino na hindi nakakain sa Jollibee. Oh well, syempre meron din siguro, yung mga 'syala, yung mga Pinoy na ang tingin din sa pagkain ng Jollibee ay chipangga at sooo eeeewy! Sabagay kanya-kanyang taste nga naman yan, ang masarap para sa 'kin ay maaaring hindi masarap para sa ibang tao.

Ah basta, gusto ko ng mga 'to...




Kaso alangan namang umuwi pa 'ko ng Pinas para lang kumain ng Jolly Hotdog... or pumunta sa kapitbahay na bansang US para lang magmeryenda ng Yumburger? Waaaahhh!

Nov 7, 2008

6 Random Things

This is a tag from Marie. Salamat girl!

So here are 6 Random Things about me:

1. Crush ko si Piolo Pascual. Kahit maraming nagsasabing bading s'ya... bading nga ba s'ya? Sayang, fafalicious pa naman! Ah basta, I crush him. Period.









2. I was once a Company Nurse sa isang factory ng mga butones sa napakatrapik na lugar na Novaliches. Na wala naman akong ginawa kundi maglinis ng sugat, maglagay ng betadine at ibalot ng gasa ang mga daliri ng mga empleyadong nadisgrasya sa makinang panggawa ng butones. Bukod dyan, trabaho ko din ang magbigay ng gamot sa kanila... peyborit nila ang Alaxan, Neozep at Imodium. Mga adik! Moral lesson: kung RN ka, wag kang magwork as Co. Nurse, mabuti pang mag-call center agent ka na lang. lol!


3. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa call center, may mga pagkakataong pag nagdadasal ako bago matulog ay ganito ang nasasabi ko. "In the name of the Father, and of the son and of the Holy Spirit. Amen. Good morning, this is Maya, how may I help you?" Sorry Lord, tao lang po.

At ganyan din ang nagiging sagot ko dati kapag nagriring ang phone namin sa bahay. Amp!




4. Yup. Naranasan kong maging wedding singer nung nasa Pinas pa 'ko. At oo naman, may talent fee ha! Kaso di na nag-flourish ang career kong yan dahil papunta na 'ko nun sa Singapore at 'di naman uso dun ang mga wedding-wedding singer na ganyan, di yun feel ng mga chekwa.



5. Pangarap kong maging Barista. Ang babaw ba? Weno ngayon?







6. Hindi ako marunong mag-bike. At sabi nila, karaniwan daw sa mga hindi marunong magbisikleta ay hindi rin marunong lumangoy. Mukhang tama sila kase 'di rin nga ako marunong lumangoy. Loser!





Now I'm passing this tag to anyone who wants it, hahaha, bahala na kyong i-grab kung gusto nyo.

Nov 5, 2008

Barack Obama Made It

In fairness, he's not a bad dancer (kaso hindi rin good). lol!

Nov 4, 2008

Great Eyeglasses for Less


My friend told me that Zenni Optical was on FOX news! I didn't have the chance of seeing it myself so I checked out Zenni on Fox via the internet. And boy was I delighted to discover some great eyeglasses for less. Imagine having eyeglasses for as low as $8, how cool is that? And to top it all, you can choose variable dimension frames from Zenni in the comfort of your home. Yes, you can choose and buy your prescription eyeglasses online, it will save you a lot of time not to mention you can save a lot of money.

Nov 3, 2008

Belated Happy Halloween!

Ilang days din pala akong walang post - bad blogger! Eh pa'no naman bisi-bisihan sa Halloween, ito kasi ang unang Halloween namin dito sa Canada. At dito, big deal ang okasyon na 'yan kung saan nagco-costume ng bonggang-bongga ang mga bata. Akchuli, pati matatanda hindi nagpatalo.

Mas merry ang mga bata dito kapag Halloween kesa pag Pasko kase mas marami silang nakukulimbat na treats. Pero 'di pa rin kagaya sa Pinas na bukod sa toys at candies eh nakakatanggap din ang mga bata ng pera kapag Pasko. (Sa Pasko malamang nasa loob lang kami ng bahay kase may snow na nu'n... haaay, kaka-miss tuloy ang Pasko sa Pilipinas.)

Sandamukal na treats ang nakuha ng panganay ko ('yung daughter ko ayaw mag-trick or treat, tinopak!). Hindi sila mahilig kumain ng candies and chocolates kaya itatago ko na lang at isasama sa balikbayan box. May pakinabang din pala 'yang trick or treat na 'yan.

Eto nga pala ang mga inakay ko in their costumes.

My son REIGN as The Incredible Hulk (gusto ko sana Harry Potter kaso mas gusto n'ya daw 'yan!)


My daughter SUNSHINE as Snow White.


At eto naman ang kanilang cute na cute na inang mangkukulam.

Oct 30, 2008

DTI finds violation in 'Wilyonaryo' segment of "Wowowee"

Nahuli na naman ako sa balita. Lumabas na pala ang resulta ng investigation sa "Wilyonaryo Panloloko".

Part of the decision read: "A reasonable assessment of the existing game mechanics and procedures implemented at the time of the subject 20 August 2007 'Wilyonaryo' episode reveals that the game show segment allowed a reasonable likelihood of error and provided the host and organizers significant latitude in controlling the outcome of the contest."

Hence, the government agency ordered ABS-CBN to pay the P290,000 fine and come up with an execution of written undertaking.
- pep.ph

So ano 'yun? Talagang nanloloko sila ng mga tao? Grabe naman sila. Kung ako dun sa contestant na involved, magdedemanda ako at baka sakaling mapasaakin ang 2 million or kahit ilang porsyento lang nito.

Itong video sa yuchoob kung saan pinapraktis pa nina Willie ang karumal-dumal at maitim nilang balak na panloloko, totoo ba 'to?



Hay naku! Pasintabi na sa mga kapamilya fans d'yan pero 'di ko masikmura 'yang si Willie, napaplastikan ako sa kanya pwamis! Nung sa Singapore pa kami nakatira TFC subscriber kami kasi itong si mother nature (nanay ko) ayaw ng mga lokal na palabas sa Singapore, at ayaw din n'ya ng cable programs, nosebleed daw. So sige subscribe sa TFC ($15 kada-bwan), na-notice ko lang 'tong si Willie lagi nakabalandra ang pagmumukha sa opening ng show at panay ang kanta, at 'kala mo nagcoconcert sa dami ng songs. Sige okay na 'yun, pagbigyan ang hilig sa pagkanta eh kaso mo araw-araw 'yun at 'yun din ang mga kinakanta n'ya. Faulet-ulet! Paksyet! (Rhyme?)

Tapos kadalasan pa lagi n'yang binabara at pinapagalitan ang mga co-host nya pati 'yung ibang crews. Heller! Ano'ng akala n'ya LOPEZ din ang apelyido n'ya?! Sobra pa s'yang swapang, parang gusto n'ya s'ya na ang host, s'ya na rin ang sarili n'yang co-host, direktor, crew... sa susunod magsasayaw na rin 'yan at magtututuwad gaya ni Luningning.

Ay, baka may Willie fan/s na makabasa nito, mawalang galang na pero opinyon ko 'yan. Walang pakelaman! Hep hep, hooray!

Oct 29, 2008

Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong (2)


Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.

Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.

Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.

Oct 28, 2008

Isa Munang Patalastas


Oh ha? Kita n'yo ba bago kong header? Bongga 'noh? S'yempre bunga 'yan ng pang-uuto pangungulit ko ke ronturon.

Akchuli, sa tingin ko naawa s'ya sa luma slash plain slash boring kong header na talaga namang pinagtyagaan ko lang dahil sa kawalan ko ng tinatawag na choice.

Pero ngayon, bongga na s'ya 'di ba? Panalo ka talaga kuya ron! O, 'wag ka nang magreklamo na tinawag kitang kuya, tandaan mo, we made a deal.

Biro n'yo libre 'yan ha, sabi ko sa kanya willing akong bayaran s'ya ng limpak-limpak na 1 dollar kaso tumanggi s'ya. So ang ibinayad ko na lang sa kanya ay gift cert dun sa parlor na pinagpagupitan ni Paperdoll para sa 1 year free pedicure at foot spa sa mukha. At malugod naman n'ya 'yung tinanggap.

Sa 'yo Ron, serious mode 'to ha, salamat ng marami kapatid.

Patalastas No. 2: Ako ang nagluto ng turon sa peechur above. Baka gusto n'yong umorder?

Oct 26, 2008

Walang Utang na Loob

"Gusto mo 'kong alisin sa buhay mo? 'Yan pa ba igaganti mo sa 'kin? Hindi mo ba alam na kung 'di dahil sa 'kin ay hindi ganyan katayog ang tayo mo? Sige, iwan mo 'ko! Kapag nawala ako sa buhay mo, babagsak ka. Tandaan mo 'yan, babagsak kaaaa!"

- Push-Up Bra talking to the Boobs

Oct 25, 2008

Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong







(An entry requested by my old friend, Margie.)

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban para makasama ka.

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

Tags

got this Name Tag from Marga (thank you gurrll!)


>>>M: Beautiful.. (bat ba? walang pakelamanan!)
>>>A: Best GF any one could have (naman!)
>>>Y: Sexiest bitch alive (bitch, oo. alive, syempre. pero 'yung sexiest, ahm, next question pls.)
>>>A: Best GF any one could have (naman, naman!)


copy tag here..

A: Best Gf/Bf any one could have
B: You love a certain someone
C: People cant help but check u out
D: You are really lovable
E: You Are Great
F: Easy to fall in love with
G: You never let people tell you what to do
H: You have a very good personality and good looks
I: People love you
J: People Adore you
K: You’re wild and crazy
L: awesome kisser
M: Handsome/Beautiful
N: Easy to fall in love with
O: Best kisser ever
P: You are popular with all types of people
Q: You are a hypocrite
R: You love to kiss
S: You are freakin crazy
T: You are loyal to the ones you love
U: You really like to chill
V: your not judgmental
W: You are popular
X: You never let people tell you
Y: Sexiest bitch alive
Z: Never good enough…


o0o


ABC Tag from Phebie (thanks a lot!)


A. Attached or single? attached
B. Best friend? pede best friends? Marami sila eh
C. Cake or pie? cake
D. Day of choice? Saturday
E. Essential item? cellphone
F. Favorite color? white, green and blue
G. Gummy bears or worms? ewe, i hate those!
H. Hometown? Malabon
I. Favorite indulgence? sleeping
J. January or July? January, b’day month ko ‘yan eh.
K. Kids? 2 (pero delayed ako... baka maging 3 pa, harujoskoh!)
L. Life isn’t complete without? my family
M. Marriage date? August 28
N. Number of magazine subscriptions: nadah! may internet na bibili pa ng magazine?!
O. Oranges or apples? oranges
P. Phobias? Acrophobia (fear of heights; kahit sa 3rd floor lang nalulula ako, paksyet!)
Q. Quotes? I am strongest when I am weakest.
R. Reasons to smile? my family
S. Season of choice? summer
T. Tag 5 people. Paperdoll
U. Unknown fact about me? nahahati ang katawan ko kapag midnight na. lol!
V. Vegetable? Lettuce
W. Worst habit? procrastinating
X. X-ray or ultrasound? duh!
Y. Your favorite food? adobo
Z. Zodiac sign? Aquarius


*** passing these 2 tags to Paperdoll, oo sa kanya lang, okay lang 'yun kase 24/7 naman s'yang nakatambay sa dashboard ng blog n'ya. aheheh! luvU kafatid.

Oct 23, 2008

Joke Lang

Mrs. Tanoy is very kuripot. When her husband died, she inquired with the newspaper, asking the price for the obituary.

The ad taker said: '300 pesos for 5 words.'

She said: 'Pwede ba 2 words lang? 'Tanoy dead''

Ad taker: 'No mam. 5 words is the minimum.'

After thinking for a while, Mrs. Tanoy said: 'Ok, para sulit, ilagay
mo,

'TANOY DEAD, TOYOTA FOR SALE '


o0o


Boy: Nay may ulam ba?

Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.

Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?

Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan!


o0o


Man at 33 quits smoking. Will Power;

At 43, quits drinking. Will Power;

At 53, quits gambling. Will Power;

At 63, quits having sex. Power Failure.


o0o


Kano (trying to speak Tagalog): Meg-kanow isang kilow mang-gow?

Tindero: One way.

Kano: Meg-kanow?

Tindero: I sed ONE WAY.

Kano: Aynowng ibig sabeyhin ng one way?

Tindero: Isang daan. Understang?!


o0o


Erap: Kalokohan! Di ako naniniwala! Walang taong ganun kataba!

Loi: San ang balitang yan?

Erap: Dito sa dyaryo. Sabi; 'British tourist lost 2000 pounds.'


o0o


MMDA (with pen and ticket to a traffic violator):

Name?

Foreigner Driver: Wilhelm Von Corgrinski Papakovitz.

MMDA: Ahhh okay...(sabay tago ticket)...Next time be careful, ok?


o0o


BF: Sunduin kita mamaya ha. Bubusina nalang ako pag nasa harap nako ng
bahay nyo.

GF: Cge. Anong sasakyan ang dala mo?

BF: Wala. Busina lang...


o0o


Nag-aapply si Tomas na security guard...

Interviewer: Ang kailangan namin ay taong laging may suspicious mind,
highly alert, insistent personality, strong sense of hearing with a
killer instinct. Sa tingin mo ba qualified ka?

Tomas: Sa palagay ko po hindi. Pwede po bang yun misis ko nalang ang
mag-apply?


o0o


Always remember, when SHE cancels a date, she HAS TO.

But....when HE cancels a date......

he HAS TWO.


o0o


Junior: Nay, bibili ako ng HIGH CAKE.

Nanay: Hindi high cake, anak. HOT CAKE yun.

Junior: Ok nay, watever. Pahingi nalang ng barya.

Nanay: Sige, kumuha ka nalang dyan sa SOLDIER BAG ko.


o0o

Pasyente ... Doc, may problema ako...tuwing alas otso ng umaga
dumudumi ako...
Doktor ... so, anong problema doon?
Pasyente ... Eh alas nuwebe po ako nagigising.


o0o

A man was carrying 3 babies in a train.
Lady sitting next asked, 'are they your babies?'
Man: 'No, I work in a condom factory and these are customer
complaints!'


o0o


A lawyer driving on a highway notices a crowd in an intersection.

With his urge to get into the thick crowd and see the action, he
shouted,

'I'M THE SON OF THE VICTIM.'

Upon hearing, the people made way for him to get through.

There he saw, bloody and helpless lying in front of the people...a pig

bumped by a trailer truck!


o0o


Erap ... Honey, nagpintura ako ng banyo.
Loi ... Bakit dalawa ang suot mong jacket, ang init, init !!!
Erap ... Sabi kasi sa label, for best results put on 2 coats.


o0o

Lola ... Amang, wala akong pera!
Holdaper ... Alam ko kung asan ang pera mo...[sabay pasok ng
kamay sa bra ni Lola]
Lola ... Ituloy mo iho, may dollars pa sa ibaba!!

Oct 21, 2008

Wishlist (na suntok sa buwan)

Libre mangarap 'di ba? Gasgas na nga ang linyang 'yan. At least sa pangarap, you can be who you want to be. Walang pwedeng makelam. Walang pwedeng kumontra.

Naisip kong gumawa ng wishlist na may two categories:

1) Suntok Sa Buwan - mga wish na alam kong malabong matupad.
2) Pwede! - mga wish na mabababaw at may pag-asang matupad.

At ibubuking ko sa inyo ang isa kong pangarap na suntok sa buwan - ang maging cover ng FHM. Bwahaha!

Grabe kaseseksi ng mga babaeng nagiging cover ano? Pero naisip ko na 'yung iba hindi naman yata talaga ganun kaseksi at kakinis, may daya yata ang peechur nila, gaya na lang nitong si Angelica Panganiban.




Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya, oo.

Pero ako talaga promise gusto kong maging cover ng FHM kaso sobrang labo na mangyari 'yun dahil 'di naman ako nabiyayaan ng vavavoom na katawan. Syet!

Pero eto, inilagay ko na lang ang isa sa mga peechur kong naka-tupis sa isang magazine cover generator. Tingnan n'yo nga kung papasa na at pwede nang ihanay kina Anne Curtis at Angel Locsin. lol!



In my dreams, hahaha... in my wildest dreams.

Oct 20, 2008

Whatever Happened To Josephine "Banig" Roberto?

Dahil sa isa sa mga posts ni ka-blogger na si Bb. Alindogan kung saan nabanggit n'ya si Banig, bigla akong napa-isip, nasaan na nga ba s'ya? Matapos n'yang manalo sa Star Search sa USA nung 1989 ay wala nang naging balita pa tungkol sa kanyang career.

So, I decided to travel far and wide (via Google) para hanapin si Josephine "Banig" Roberto at alamin ang latest tungkol sa kanya.

Eto s'ya dati:



At eto na s'ya ngayon:



She's now set to release an album in Manila. 'Di naman pala s'ya tuluyang nawala sa limelight sa US kaso 'di rin s'ya sumikat ng bonggang-bongga at 'yun nga nadaig pa s'ya ni Christina Aguilera na kanyang tinalo sa Star Search n'ung araw.

Read more about Banig here.

Oct 19, 2008

Mayascope


Capricorn - Akala mo lang na wala kang kaibigan. Dadami 'yan matuto ka lang manlibre.








Aquarius - Giginawin ka ng sobra sa araw na 'to. 'Wag kausapin ang kapitbahay mong ubod ng yabang.






Pisces - Sasabunin ka ng katakot-takot ng boss mo mamayang hapon. Kaya mag-resign ka na pagpasok mo pa lang sa umaga.







Aries - Good news: Buntis ang Misis mo. Bad news: Hindi ikaw ang ama.






Taurus - Malapit ka ng magka-jowa. Punta ka muna ke Dra. Belo.






Gemini - Wag mainggit kung gwapo at mayaman ang jowa ng bespren mo. Isang araw, magbi-break din sila.






Cancer - Mag-ingat sa isang gwapong lalakeng makakasakay mo sa jeep na panay ang tingin sa 'yo. Balak ka n'yang holdapin.





Leo - Bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Tigilan na ang pag-kain ng panis.







Virgo - Kung napapansin na nanlalamig sa 'yo ang iyong jowa, malamang nadiskubre n'yang retokado ang ari mo.






Libra - Sisikat ka sa larangan ng pag-aartista. Ikaw ang susunod sa yapak ni Rene Requiestas.






Scorpio - Lalayuan ka ng mga malalapit mong kaibigan. 'Di ka kasi naliligo.






Sagittarius - Isang mabigat na pagsubok ang malalampasan mo. Makakabuo ka sa Sudoku.