Oct 25, 2008

Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong







(An entry requested by my old friend, Margie.)

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban para makasama ka.

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

7 comments:

paperdoll said...

wow! paborito co yang si bob ong! hehe. . anong libro yan te? hindi co pa nababasa ung abnkkbsnplako! at bakit baliktad magbasa ang mga pilipino? . . ayoco namang bumile kung pwede namang manghiram:D

Vhonne said...

awts... wala na talagang tatalo sa mga hirit ni bob ong... kaya idol na idol ko yan eh...

wala na yatang pinoy na hindi nakakakilala sa kanya...

teka... sino nga pala si bob ong?


@offtopic: manikang papel... peram ako nung ibang libro.. lol...

meron ba kaung Ebook ni bobong? download ko n lng... hirap maghanap eh... wala nmn dito sa bookstore dito samin... amf..

M A Y A said...

@ paperdoll - ay, nagreply na pala 'ko sa cBox mo. :)

@ vhonne - pwede ka bumili ng book nya online - http://www.bobongbooks.com/area51/topTwo.htm

Vhonne said...

lima lang ba talaga ang libro nya? kala ko may lalabas daw na isa pa... wala pa?

malas ko naman... puro out of stock ung books... hehehe... manghiram n lng ako sa kaibigan ko... sana magpahiram...

Mel said...

lolz magaling talaga si bob ong

Anonymous said...

lahat naman ata tayo paborito si bob ong. kakaiba kasi siya...:)

happy weekend!

Unknown said...

i second the motion...